CLOSE

NorthPort's Import Switch: "Venky talaga ang Import namin!

0 / 5
NorthPort's Import Switch: "Venky talaga ang Import namin!

NorthPort's sudden import change sparks curiosity. Coach Bonnie Tan explains the decision behind replacing Taylor Johns with Venky Jois sa PBA Governors’ Cup.

— "Venky talaga ang import namin," ani Coach Bonnie Tan ng NorthPort Batang Pier matapos ang biglaang pagpapalit ng kanilang import sa PBA Governors’ Cup.

Si Taylor Johns, na unang import ng NorthPort, ay gumawa ng ingay sa kanyang debut game, muntikan pa mag-triple double with 36 points, 16 rebounds, at 9 assists laban sa TNT Tropang Giga.

Ngunit ilang araw lang matapos ang kanyang impressive performance, inanunsyo ng Batang Pier na si Venky Jois ang papalit kay Johns bilang import.

Nagbunga naman ang desisyon na ito, lalo na't dinaig ng NorthPort ang Terrafirma Dyip, 112-93, nitong Biyernes.

Bagama’t si William Navarro ang nagbida sa laro with a career-high 31 points, si Jois naman ay nag-ambag ng 16 points, 5 rebounds, at 6 assists.

Pagkatapos ng game, nilinaw ni Coach Tan na si Jois ang tunay na import ng team mula’t sapul.

"Si Venky talaga ang resident import namin. Mas pamilyar siya sa mga locals natin dahil narito na siya, kaso lang, hindi siya umabot sa unang game namin dahil sa personal commitments niya," paliwanag ni Tan sa mga reporter.

"Dahil dito, kinuha namin si Taylor Johns bilang backup. Alam naman nating lahat na magaling siya, pero may commitment kami kay Venky mula pa noong huling conference na pinasok niya kami sa quarterfinals," dagdag pa ng coach.

Malaking bahagi si Jois ng NorthPort team na nagtapos ng ika-anim sa PBA Commissioner’s Cup noong nakaraang taon, bago sila na-eliminate ng Barangay Ginebra.

Sa isang statement na ipinost sa PBA website noong Huwebes, binigyang-diin ni Tan na kailangan nila ng malakas na presence sa loob sa import-laden conference, lalo na't wala pa rin si JM Calma dahil sa injury.

"Pinag-usapan lang namin yung mga lapses noong huling conference na naglaro siya, at nagkaintindihan kami na babalik siya bilang resident import ng NorthPort team," ani Tan.

"Kaya nga lang, dahil sa personal na commitments ni Venky, kailangan namin kumuha ng import na puwede agad maglaro sa unang mga laro namin."

Sa kasalukuyang 1-1 win-loss slate, umaasa ang Batang Pier na makuha ang ikalawang panalo sa kanilang susunod na laban kontra Converge FiberXers sa Ninoy Aquino Stadium sa Huwebes.

READ: Navarro Nagpaulan ng 31, NorthPort Selyado ang Panalo!