CLOSE

NU Pep Squad Claims 8th UAAP Title!

0 / 5
NU Pep Squad Claims 8th UAAP Title!

NU Pep Squad muling nagningning sa UAAP Cheerdance 2024, pero ayon kay Coach Bajacan, malayo pa ang hangganan—lagi silang gutom para mag-improve at manalo pa.

— "Ang hirap paniwalaan, pero nangyari!" Yan ang emosyonal na reaksyon ni NU Pep Squad coach Gab Bajacan matapos ang kanilang ika-walong panalo sa UAAP Cheerdance Competition, na pumantay sa record ng UST Salinggawi Dance Troupe at UP Pep Squad.

Baguhan bilang head coach pero batikan sa sistema, si Bajacan ay dating assistant coach ni Ghicka Bernabe—ang multi-titled mentor na unang nagdala ng NU sa rurok ng tagumpay. "Last year, parang test run lang. Ngayon, eto na, patunay na buhay pa rin ang sistema na binuo namin noong 2011," ani Bajacan.

Pinag-isipang Routine

Mula sa Elvis Presley theme na nagbigay ng silver last year, nag-out of this world ang tema nila ngayong season. "Grabe ang pressure last year. Ang daming nagbago—may nawala, may dumating. Hindi kami agad magka-vibe. Pero hindi namin tinigilan ang pagbuo ng team."

Lakbay-Recruitment

"Nag-iikot kami sa iba't ibang probinsya para maghanap ng tamang talento. Laking tuwa namin na hindi lang sila atleta, nagkakaroon din sila ng pagkakataong makapag-aral at umasenso," dagdag pa ni Bajacan.

Gutom Para sa Mas Marami

Bagama't tagumpay na, hindi dito nagtatapos ang ambisyon ng NU Pep Squad. "Hindi kami pwede maging stagnant. Lagi naming iniisip na kulang pa kami para may puwang para mag-improve. Target namin hindi lang nine o ten championships, kundi hanggang kaya!" ani Bajacan na naglalayon ring isabak ang team sa international stage.

Kahit 8x champs na, malinaw ang mensahe ni Bajacan: Hindi sapat ang pagiging magaling—kailangan laging gutom sa tagumpay!