– Biglaang nag-pullout si Naomi Osaka, four-time Grand Slam champion, mula sa Japan Open dahil sa injury sa likod na nakuha niya sa China Open. Ang anunsyo ay ginawa ng Japan Tennis Association noong Lunes, na nagsabing hindi makakasali si Osaka sa WTA 250 event sa Osaka mula Oktubre 14 hanggang 20.
Mukhang nasa magandang form si Osaka noong una sa China Open, kung saan nakakuha siya ng tatlong panalo. Pero sa last-16 match kontra kay Coco Gauff, bigla siyang umatras matapos ang second set dahil sa lumalalang back injury.
"Nablock yung likod ko habang practice pa lang, pero gusto ko parin ituloy," sabi ni Osaka sa kanyang social media. "Kaso lumala siya habang naglalaro."
Ang huling beses na naglaro si Osaka sa Japan ay sa Pan Pacific Open noong 2022, kung saan nanalo siya sa unang round nang umatras ang kalaban na si Daria Saville matapos isang game lang. Pero umatras din siya bago pa ang second round dahil sa abdominal pains.
Matapos ang nasabing torneo, nagpahinga na si Osaka para manganak sa kanyang anak na si Shai noong Hulyo 2023. Nagbalik siya sa tennis tour nitong Enero 2024, pero hirap siyang bumalik sa dating anyo na nagbigay sa kanya ng Australian at US Open titles mula 2018 hanggang 2021.
READ: Sinner, Pagod Pero Lumaban, Natalo si Etcheverry sa Shanghai Masters