— Darating na rin sa Visayas at Mindanao sa Agosto o maagang bahagi ng Setyembre ang bigas na P29/kilo pagkatapos ng pilot run sa 10 Kadiwa Centers sa Metro Manila at Bulacan, ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr.
"Ang aming target ay mapalawak ang bilang ng mga Kadiwa centers na nag-aalok ng bigas na P29 per kilo sa mga susunod na linggo at palawakin ang network na ito sa Visayas at Mindanao," ani ni Tiu Laurel.
Bukod dito, ang DA at mga kaugnay na ahensya at korporasyon ay bumubuo ng mga plano upang maibenta ang well-milled rice sa mas mababang presyo kaysa sa kasalukuyang market rates.
"Ito ay napakahalagang pagkakataon upang makakuha ng kumpletong datos tungkol sa iba't ibang aspeto kabilang ang demand, supply, at logistics na magtitiyak ng tagumpay ng buong pagpapatupad ng P29 Rice Program, isang inisyatiba ni Presidente Marcos upang mabawasan ang pasanin ng mataas na presyo ng mga pangunahing bilihin, partikular na ang bigas, para sa mga mahihirap, senior citizens, solo parents, at persons with disabilities," dagdag pa ni Tiu Laurel.
RELATED: Pagbebenta ng NFA Bigas sa P29 Kada Kilo, Aprubado