CLOSE

Pacquiao, Kinilala Bilang Pinakamahusay na Asyano Athlete ng 21st Century ng ESPN

0 / 5
Pacquiao, Kinilala Bilang Pinakamahusay na Asyano Athlete ng 21st Century ng ESPN

Manny Pacquiao, tinanghal na pinakamagaling na atleta sa Asya ngayong siglo ng ESPN, isang pagkilala sa kanyang tagumpay at legacy sa boksing.

– Ipinagbunyi ng sports website na ESPN si Manny Pacquiao bilang pinakamagaling na atleta sa buong Asya ng 21st century. Si Pacquiao, ang pambansang kamao ng Pilipinas, ay isa sa tatlong Pinoy na nasa listahan.

Sa kanilang ulat, sinabi ng ESPN na si Pacquiao ay “malamang isa sa pinakadakilang boksingero sa lahat ng panahon.”

“Nanalo siya ng world titles sa unprecedented eight weight divisions, na ipinapakita ang kanyang versatility at dominance. Umabot ng mahigit tatlong dekada ang karera ni Pacquiao, kung saan tinalo niya ang maraming alamat sa boksing,” ayon sa sports media company.

Ibinida ng artikulo ang dating senador na may record na 35-6-2 mula noong January 1, 2000, at ang kanyang paghawak ng world championships sa 2000s, 2010s, at 2020s.

“Ang kahanga-hangang mga tagumpay ni Pacquiao at ang kanyang impact sa boksing ay nagbigay-daan sa kanyang extra-ordinaryong legacy, na ngayon ay napalawak pa sa kanyang career sa politika at bilang isang executive sa iba't-ibang sports,” dagdag pa ng ulat.

Nauna nang inilagay si Pacquiao sa ika-71 na pwesto ng ESPN's top athletes simula sa pagsisimula ng millennium, na umani ng mga batikos mula sa mga Filipino sports fans na naniniwalang mas mataas pa dapat ang ranggo ni Pacquiao.

Kasama rin sa listahan si Olympic gold medalist Hidilyn Diaz, na tinanghal na ika-19 na pinakamahusay na atleta sa Asya. Si Diaz ang unang nagbigay ng Olympic gold medal sa Pilipinas noong Tokyo Olympics.

“Makikita ang dedikasyon at resilience ni Diaz sa kanyang journey, pagdaig sa maraming hamon para maabot ang rurok ng kanyang sport. Nanalo rin siya ng mga medalya sa Asian Games at World Championships,” ayon sa ulat.

“Ang historic achievement ni Diaz at ang kanyang papel sa pag-angat ng weightlifting sa Pilipinas ay patunay ng kanyang exceptional na talento at determinasyon.”

Pasok din sa listahan si basketball player June Mar Fajardo sa ika-25 na pwesto. Ang San Miguel Beerman ay may pitong Most Valuable Player awards sa PBA at 10 championships.

Malaki rin ang ambag ni Fajardo sa pagkapanalo ng Gilas Pilipinas ng gold medal sa Hangzhou Asian Games at bahagi siya ng Philippine team na nagpataob sa World No. 6 Latvia sa FIBA Olympic Qualifying Tournament kamakailan.

“Araw-araw na kahusayan at impluwensya ni Fajardo sa Philippine basketball ang nagbigay-diin sa kanyang malaking impact sa sport na mahal ng mga Pinoy,” ayon sa ESPN.

Pumangalawa sa listahan ang dating NBA All-Star Yao Ming. Kasama rin sa top 5 ang MLB star Ichiro Suzuki, football player Son Heung-Min, at tennis player Naomi Osaka.

Sa kabuuan, kasama rin sa top 10 ang swimmer Sun Yang, footballer Park Ji-Sung, tennis player Li Na, baseball player Shohei Ohtani, at badminton player Lin Dan.

READ: Reaksyon ng Netizens: Ranggo ni Pacquiao sa ESPN Top 100 Naging Kontrobersyal