— Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang low-pressure area (LPA) sa matinding Hilagang Luzon.
Sa isang briefing noong alas-4 ng hapon, sinabi ni PAGASA weather specialist Veronica Torres na ang LPA ay nasa layong 1,310 kilometro silangan-hilagang-silangan ng matinding Hilagang Luzon.
"Low chance pa rin na magiging bagyo ang LPA sa loob ng susunod na 24 oras," ani Torres.
Para naman sa southwest monsoon o habagat, sinabi ni Torres na patuloy nitong apektado ang Visayas at Mindanao at magdadala pa rin ito ng mga pag-ulan sa nasabing mga lugar.
Ayon sa PAGASA, ang mga localized thunderstorms ay makaapekto sa Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon.