-- Umigpaw si Bianca Pagdanganan sa leaderboard, pumalo ng eagle-spiked 68 para umakyat ng 24 na pwesto sa tabla para sa ika-25 sa kalagitnaan ng Meijer LPGA Classic na kasalukuyang pinapangunahan nina Ally Ewing at Grace Kim sa Belmont, Michigan nitong Biyernes (Sabado sa Maynila).
Pinamalas ni Pagdanganan ang kanyang lakas mula sa tee, sinamahan pa ng matitibay na approach shots. Ang kanyang performance ay nagresulta sa paghit ng lahat ng greens in regulation, kasama ang apat na par-5 holes ng Blythefield Country Club course, kung saan tatlo rito ay na-birdie niya.
Kahit pa medyo alanganin sa putting na nagresulta sa 34 putts, ang kanyang long game ay nagbigay-daan para sa makabuluhang pag-angat sa $3 milyon na championship.
Taglay ang 293-yards driving average, isa sa pinakamalayo sa Tour, na-birdie ni Pagdanganan ang kanyang panimulang hole, No. 10. Bumawi siya mula sa isang bogey sa par-4 No. 16 na sinundan ng isa pang birdie sa ika-18. Isang eagle sa ika-apat na hole at birdie sa ikawalong hole ang nagpatingkad sa kanyang malakas na showing sa mga mahahabang holes.
Sa pagsama ng kanyang unang round na 71, ang ICTSI-backed shotmaker ay umusad mula sa tabla para sa ika-49 patungo sa kasalukuyang tabla para sa ika-25. Kahit na may kalamangan pa rin si Ewing, si Pagdanganan ay nasa magandang posisyon para sa isang matatag na pagtatapos sa 72-hole tournament, na nagsisilbi ring paghahanda para sa susunod na major, ang KPMG Women’s PGA Championship sa Michigan.
Nasa anim na stroke si Pagdanganan sa likod ni Ewing, na pumalo ng solidong eagle-aided 63 para makapagtabla sa lead na 133 kasama si Kim, na mayroong 65. Sina Nanna Madsen at Narin An ay dalawang stroke ang agwat, pareho nagpost ng 135s matapos ang rounds na 64 at 68, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, hindi pinalad makapasok si Filipino-American Clariss Guce matapos makapagtapos ng 76 para sa 153, labing-isang stroke ang layo sa cutoff score.
Sa Epson Tour naman, pumalo si Tomi Arejola ng 74, habang si Pauline del Rosario ay nag-struggle sa 75, at si Abby Arevalo naman ay may 79, lahat ay bumagsak sa projected cutoff line ng even par sa Otter Creek Championship sa Otter Creek Golf Course sa Columbus, Indiana.
Nangunguna sina Saki Baba at Brooke Matthews sa first round na may 65s, isang stroke ang lamang kay Briana Chacon na nagposte ng 66. Sina Savannah Vilaubi at Pornanong Phatlum ay parehong pumalo ng 67s.