—Matapos ang dalawang dekadang career, kinumpirma ni Rafael Nadal na magreretiro na siya pagkatapos ng Davis Cup finals sa Nobyembre. Dala niya ang 22 Grand Slam titles at di mabilang na respeto mula sa buong mundo, kasama ang legendary rivalries kina Roger Federer at Novak Djokovic.
"Magre-retire na ako sa professional tennis. Sa totoo lang, mahirap yung mga nakaraang taon, lalo na ang huling dalawa," ani Nadal sa isang video na pinost niya sa social media.
“Alam kong mahirap 'tong desisyon, pero sa buhay, lahat may simula at may katapusan,” dagdag pa ng 38-anyos na tennis legend.
Sa dami ng tagumpay ni Nadal, may 92 titles siya at umabot ng $135 million sa prize money. Hindi maikakaila na isa na siya sa mga pinakadakilang manlalaro sa kasaysayan ng tennis.
“What a career, Rafa! Sana hindi dumating ang araw na ‘to," sabi ng 20-time Grand Slam champ na si Roger Federer. "Salamat sa lahat ng unforgettable na moments! Isang malaking karangalan ang maging parte ng laro kasama ka."
Para naman kay current world number one Jannik Sinner, mahirap tanggapin ang pag-alis ni Nadal sa mundo ng tennis.
Kasama si Nadal kay Carlos Alcaraz sa Spain team para sa Davis Cup, at tila excited siya na tapusin ang career sa ganitong paraan.
“Feeling ko, tamang oras na para isara ang chapter na ‘to. Mas mahaba at mas successful pa ‘to kaysa sa inakala ko,” dagdag pa ni Nadal.
Ipinahayag din niya na proud siyang magsara ng kanyang career habang nire-representa pa rin ang Spain, gaya ng ginawa niya noong unang beses niyang manalo sa Davis Cup noong 2004 bilang teenager.
Sa Roland Garros, pinamunuan ni Nadal ang French Open kung saan 14 beses siyang nag-champion. Kahit noong 19-anyos pa lang siya, nagpakita na agad siya ng gilas, at ang huling tagumpay niya ay noong 2022.
Bukod sa French Open, apat na beses din siyang nagwagi sa US Open, at dalawang beses sa Australian Open at Wimbledon. Sino nga ba ang makakalimot sa 2008 Wimbledon final niya laban kay Roger Federer na naging isa sa pinakamagandang laban sa kasaysayan ng tennis?
Si Nadal din ang nanalo ng Olympic gold noong 2008, kaya’t nakuha niya ang tinatawag na career Golden Slam.
Hindi na rin matatawaran ang pagiging consistent ni Nadal—mula 2005 hanggang 2022, taon-taon may panalo siya. Naabot niya ang world number one status ng limang beses at nanatili siya sa top 10 hanggang March 2023.
Sa rivalry nila ni Federer, 24-16 ang lamang ni Nadal, at nalagpasan din niya ang 20 Grand Slam wins ni Federer noong 2022 Australian Open. Pero sa huling laban nila ni Djokovic sa 2024 Paris Olympics, hindi kinaya ni Nadal.
Dahil sa injuries, limitado ang mga laro ni Nadal nitong mga nakaraang taon. Masakit din ang naging pamamaalam niya sa doubles match kasama si Alcaraz sa Paris Olympics.
Pero hindi ito ang unang beses na naapektuhan ang career niya ng injuries—mula wrist, knee, hanggang ankle, tila lahat yata ng bahagi ng katawan niya ay nasugatan na sa kanyang brutal at all-action playing style. Minsan, kinailangan pa niyang magpa-injection ng painkillers para makalaro sa 2022 French Open.
Sa lahat ng mga naging laban niya, tila ramdam na ni Nadal na malapit nang magtapos ang kanyang panahon, lalo na noong 2022 Laver Cup sa London kung saan naglaro pa siya kasama si Federer sa huling laban nito.
Magkaibigan man, ramdam ng bawat isa ang sakit ng pagpapaalam, dahil sa pag-alis ni Federer, tila parte na rin ng buhay ni Nadal ang natapos.
READ: Tennis Stars Seek the Right "Winning Formula" with New Coaches