CLOSE

Pinay Chess Champs: Gold in Group B, Historic Win in Budapest

0 / 5
Pinay Chess Champs: Gold in Group B, Historic Win in Budapest

Nagwagi ang Pinay chess team sa Group B ng FIDE Chess Olympiad sa Budapest, nakamit ang historic gold matapos ang 4-0 laban sa Brazil sa final round.

– Akala mo tapos na ang laban, pero with two rounds left, the Philippine women’s chess team, ranking 49th, prayed hard na mag-align ang mga bituin—and they did!

Sa kanilang makasaysayang run, nilampaso ng Pinays ang Brazil, 4-0, sa final round noong Linggo at nagtapos sa ika-45th FIDE Chess Olympiad sa BOK Sports Hall. Ang impressive na panalo ng team na binubuo nina Shania Mendoza, Janelle Mae Frayna, Jodilyn Fronda, at ang 16-year-old phenom na si Ruelle Canino ay naghatid sa kanila ng shared 22nd place kasama ang 14 iba pang bansa. Sa tiebreaks, umangat sila sa 24th overall.

Ang victory ay sapat para sungkitin ang gold medal sa Group B, kung saan kasama ang mga bansang ranked 35th to 70th, gaya ng Montenegro at Latvia. Matagal nang hindi nakakakita ng ganitong tagumpay ang Pilipinas mula nang manalo ang Pinay squad sa Group C noong 2006 Turin Olympiad.

Si Canino, na isa sa pinakabata sa grupo, ay talagang standout. Nakakuha siya ng 102 rating points, kaya aangat mula 2004 to 2260 ang kanyang rating matapos ang 6 wins out of 8 sa kanyang debut.

“Isang legacy ito para sa Philippine chess,” ayon kay Coach GM Jayson Gonzales, na lubos na nagpapasalamat sa suporta ng mga organisasyon gaya ng Philippine Sports Commission, National Chess Federation of the Philippines, at iba pa.

Habang masaya ang kababaihan, hindi naging maganda ang takbo ng men’s team, na nagtapos sa 59th place matapos matalo sa Hungary B, 3-1. Layunin sana nilang pantayan o higitan ang record seventh-place finish noong 1988.

Ang India naman ang nagwagi ng open at women’s titles, kasama ang Gaprindashvili Cup.