CLOSE

Pinoy Taekwondo Champs Bag 10 Podium Wins

0 / 5
Pinoy Taekwondo Champs Bag 10 Podium Wins

Pinoy pride shines bright! The PH taekwondo team secures 2 silvers and 8 bronzes sa World Taekwondo Poomsae Championships 2024 sa Hong Kong.

Lupet ng Pinoy jins! The Smart/MVPSF Philippine Taekwondo Team ended the season with a bang, collecting 2 silver at 8 bronze medals sa 2024 World Taekwondo Poomsae Championships sa Hong Kong.

Nagpakitang-gilas sina Justin Kobe Macario at Juvenile Faye Crisostomo with their almost flawless freestyle routine, clinching 2nd place sa over-17 freestyle category. Ganoon din ang junior pair nina Leno Maximuz Subaste at Julianna Martha Uy, na nagtapos rin bilang silver medalists.

Ang kanilang panalo ay follow-up sa historical gold medal ni Tachiana Mangin sa women’s -49kg class sa World Taekwondo Junior Championships sa South Korea. Ang huling ginto ng bansa sa ganitong competition ay noong 1996 pa, nang magwagi si Alex Borromeo sa men’s -47kg sa Barcelona.

BRONZE WINNERS, STEP UP!
Individually, sina Darius Venerable (freestyle over 17), Ian Matthew Corton (male under-30), June Ninobla (male under-60), at Jaynazh Angelo Jamias (cadet male individual) ay nagbigay ng karagdagang karangalan sa bansa with their bronze wins.

Meanwhile, Asian Games bronze medalist Patrick King Perez kasama sina Juvenile Faye Crisostomo, Janna Dominique Oliva, Justin Kobe Macario, at Jeus Gabriel Derick Yape, umarangkada din with a bronze sa freestyle team over-17 category.

Pati si Jamias, hindi nagpapahuli—kasama niya sina Kian Ezekiel Castigador at Xian Gabriel Gamata, securing 3rd place sa cadet male recognized team under-17. Dagdag pa rito, sina Alfonzo Gabriel Tormon at Joniya Yua Ysabelle Obiacoro clinched bronze sa cadet pair category.

Ang kompetisyon na ito ay nagtipon ng pinakamahuhusay na poomsae athletes mula sa iba’t ibang panig ng mundo, at muli na namang napatunayan ng Pilipinas na kaya nating makipagsabayan. Bravo, Team Philippines!