— Nagkaroon ng rescheduling sa semifinals ng Premier Volleyball League Reinforced Conference matapos ipagpaliban ang laban ng PLDT kontra Akari at Creamline kontra Cignal na dapat sanang ginanap kahapon sa PhilSports Arena. Ang dahilan? Power outages sa Pasig sanhi ng matinding buhos ng ulan.
Dahil dito, inilipat ang knockout semifinals sa Sabado sa MOA Arena, habang ang championship round ay naurong mula Sabado patungong Lunes sa Smart Araneta Coliseum.
Ang malalang panahon ay nagdulot ng pinsala sa ilang Meralco power posts na nagsusuplay ng kuryente sa PhilSports Arena, dahilan para hindi magamit ang pasilidad.
READ: PLDT vs Akari: Matira Matibay sa Semis ng PVL