—Hindi naging maganda ang simula ng Barangay Ginebra Gin Kings sa kanilang PBA Governors' Cup debut matapos silang talunin ng Rain or Shine Elasto Painters, 73-64, nitong Sabado ng gabi sa Candon City Arena.
Ito ang pangalawang panalo ng Rain or Shine sa import-laden conference, at ngayon sila ang nangunguna sa Group B standings.
Pinangunahan ni Aaron Fuller ang Elasto Painters na may 16 points at 23 rebounds, kasama ang tatlong assists.
Nangunguna pa ang Ginebra sa score na 57-62 sa fourth quarter, ngunit unti-unti silang naabutan ng Rain or Shine at naitabla ang laro sa 62.
Isang layup mula kay Justin Brownlee sa natitirang 4:08 ang huling puntos ng Gin Kings, habang patuloy na umarangkada ang Elasto Painters.
Tinapos nila ang laro sa isang 11-0 run na pinamunuan ng rookie guard na si Felix Lemetti.
Sa natitirang 1:07 ng laro at lamang na ng anim ang Rain or Shine, 70-64, nakuha ni Lemetti ang bola. Nag-spot-up siya at pinakawalan ang tres na nagselyo ng kanilang panalo, 73-64.
Nag-ambag din sina Andrei Caracut at Lemetti ng 14 at 13 puntos, ayon sa pagkakasunod.
Sa panig ng Ginebra, si Japeth Aguilar ang nanguna na may 20 puntos, sinundan ni Brownlee na may 18.
Si Stephen Holt naman ay nagtapos ng may 13 puntos para sa kanyang bagong koponan, ngunit hindi naging maganda ang unang laro ni RJ Abarrientos, ang third overall pick, na nagtapos na may dalawang puntos lamang.
READ: CJ Perez, Umeksena sa 4-Point Shot: San Miguel Wagi sa PBA Opener