CLOSE

Sabalenka Aims for Year-End No. 1, Fresh from US Open Win

0 / 5
Sabalenka Aims for Year-End No. 1, Fresh from US Open Win

US Open champ Aryna Sabalenka targets World No. 1 sa pagtatapos ng taon, pasok bilang top seed sa China Open matapos ang withdrawal ni Iga Swiatek.

Nagpahayag si Aryna Sabalenka, ang kampeon ng US Open, na layunin niyang muling makuha ang World No. 1 ranking bago matapos ang taon. Matapos mag-withdraw si Iga Swiatek dahil sa "personal matters", si Sabalenka ang pasok bilang top seed sa China Open ngayong linggo.

“Of course, isa ‘yan sa goals ko—matapos ang season bilang No. 1,” sabi ni Sabalenka, na nagtapos ng taon bilang top player noong isang taon pero naungusan ni Swiatek. Sinimulan pa nga niya ang taon sa panalo sa Australian Open.

Ngunit sa kabila ng kanyang ambisyon, sinabi ng 26-anyos na tennis star, “I’m not focusing too much on that ngayon. Focus ko talaga is my game—tatlo na lang naman ang tournaments na natitira.”

Fresh mula sa kanyang panalo sa New York, si Sabalenka ay handang magdala ng best performance sa Beijing tournament para solidify ang kanyang spot. “Pagkatapos ng season, doon ko lang malalaman kung sapat na to end at No. 2 o kailangan pang i-improve to reach No. 1.”

Ito na ang kanyang unang tournament simula nang talunin si Jessica Pegula sa final ng US Open. May bye na agad si Sabalenka sa first round.

Bukod kay Sabalenka, sasabak rin si Pegula kasama ang kapwa American na si Coco Gauff, si four-time major champ Naomi Osaka, at ang Olympic champion na si Zheng Qinwen mula China.

Nagsisimula ang matinding labanan sa prestigious WTA 1000 event sa Beijing ngayong Miyerkules, na kasabay rin ng men's ATP 500 event.