— Sa harap ng mahigit 10,000 tagahanga sa Palacio de Deportes Jose Maria Martin Carpena arena, opisyal nang isinara ni Rafael Nadal ang kabanata ng kanyang propesyonal na karera sa tennis noong Martes, Nobyembre 19, 2024.
“Iniwan ko ang laro nang may kapayapaan sa puso,” sabi ng 38-anyos na tennis legend matapos matalo sa opening singles ng Davis Cup quarterfinals laban sa Netherlands. Sa kabila ng pagkatalo, ang kanyang pamamaalam ay puno ng saya at pasasalamat.
Bilang 22-time Grand Slam champion, hindi lang tennis records ang iniwan ni Nadal, kundi pati na rin ang inspirasyon at kabutihang loob na kinilala ng mundo. “Ang pagmamahal na natanggap ko ay higit sa mga titulo o panalo,” emosyonal na pahayag ni Nadal.
Sa tribute ceremony, binalikan ni Nadal ang kanyang pinagmulan bilang isang “simpleng bata mula sa maliit na baryo sa Mallorca” na nagsimulang mag-tennis sa tulong ng kanyang tiyuhin at coach na si Toni Nadal.
“Ang pinakamahalaga sa akin, maalala sana ako bilang mabuting tao na sumunod sa kanyang mga pangarap,” dagdag niya.
Sa video montage, nagbigay-pugay ang mga kapwa alamat ng tennis gaya nina Roger Federer, Novak Djokovic, Serena Williams, pati na rin ang mga Spanish icons tulad nina Raul at Andres Iniesta.
Ayon kay Nadal, hindi siya natatakot sa bagong yugto ng buhay. “Handa ako. May pamilya akong sumusuporta at nagturo sa akin ng tamang paraan para harapin ang buhay,” sabi niya.
Sa kabila ng pagreretiro, nananatili ang kanyang pangako na maging “ambassador ng tennis,” dala ang kanyang nagningning ang gabi sa isang espesyal na seremonyang nagbigay-pugay sa halos tatlong dekadang karera ni Nadal sa tennis.
“Hindi lang ito tungkol sa mga titulo o numero,” ani Nadal. “Gusto kong maalala bilang isang mabuting tao—isang bata mula sa maliit na bayan sa Mallorca na nagtagumpay dahil sa pangarap.”
Binanggit din niya ang mahalagang papel ng kanyang tiyuhing si Toni Nadal, na unang nagturo sa kanya ng tennis. “Napakasuwerte ko na ang aking unang coach ay pamilya ko mismo. Hindi ko mararating ang lahat ng ito kung wala ang suporta nila.”
Sa harap ng emosyonal na video montage na nagpapakita ng kanyang mga iconic na sandali, inalala si Nadal ng mga kapwa tennis legends gaya nina Roger Federer, Novak Djokovic, Serena Williams, at Andy Murray. Nagbigay din ng tribute ang mga Spanish sports idols na sina Raul at Andres Iniesta, na kapwa humanga sa kanyang dedikasyon sa laro.
“Ang legacy na iniwan ko, hindi lang pang-sports, kundi personal din,” dagdag ni Nadal, na naging inspirasyon hindi lamang sa tennis kundi pati sa pagiging mabuting tao.
Sa kanyang retirement speech, ipinahayag niya ang pasasalamat sa mga kaibigang nakilala sa loob ng court at sa labas nito. Sinabi niyang handa siyang harapin ang bagong kabanata ng kanyang buhay bilang isang “ambassador” ng tennis.
“Kalmado ako dahil tinuruan ako ng pamilya ko kung paano harapin ang kahit anong pagbabago. Hindi ko naabot ito mag-isa. Ito ay tagumpay nating lahat.”
Sa gitna ng palakpakan at luha mula sa kanyang mga tagahanga, umalis si Nadal na may pusong puno ng pagmamahal at pasasalamat—isang paalam na tunay na makasaysayan
READ: Nadal: “Di Ako Nandito Para Mag-Retire” sa Davis Cup