—Golden State Warriors superstar guard Stephen Curry, ngayon na ang pinakamalaking kumikita sa NBA ngayong season, ayon sa ulat ng Sportico. Sa kanyang sweldo at mga off-court ventures, inaasahang kikita si Curry ng nasa $155.8 million. Kung ikukumpara, si Los Angeles Lakers legend LeBron James ay nasa $133.7 million lang.
Mula noong 2012-13 season, walang nakapaglagpas kay LeBron sa earnings—si Kobe Bryant pa ang huling nanguna bago si James. Pero this season, iba ang nangyari! Panalo si Curry pagdating sa finances, thanks sa mga endorsements tulad ng JPMorgan Chase, Panini, at Fanatics. Kasama pa riyan ang sarili niyang media business at venture capital firm.
Si Kevin Durant ng Phoenix Suns naman ay pang-apat sa listahan, na may $97.9 million. Sumisingit siya kina Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks na pangatlo ($103.8M) at Damian Lillard ($66.8M) na panglima.
Pinagsama-samang earnings ng top 15 players sa NBA ngayong season? Aabot sa $1.13 billion, tumaas pa ng 11% mula sa nakaraang season. Tuloy-tuloy lang ang bagsik ng kita sa basketball world!
READ: Celtics Quest for Back-to-Back, LeBron and Bronny Team Up!