— Muling magpapakilala ang dalawang bigating import sa PBA Governors’ Cup Finals! Si Rondae Hollis-Jefferson ng defending champion TNT Tropang Giga at Justin Brownlee ng Barangay Ginebra ay maghaharap sa best-of-seven series na siguradong puno ng aksyon at drama.
Matagal nang nagsimula ang rivalry na ito—Season 47 pa lang ng PBA Governors’ Cup, nag-umpisa na. Pero hindi lang sa PBA nagtagpo ang dalawang ito, nag-krus din ang landas nila sa Asian Games sa Hangzhou. Nu’ng April 2023, pinangunahan ni RHJ ang TNT sa 4-2 finals victory laban kay Brownlee. Pero, bumawi si Brownlee sa Asian Games, kung saan tinulungan niyang talunin ang team ni RHJ na Jordan, sa 70-60, para masungkit ng Gilas Pilipinas ang unang gintong medalya sa loob ng 61 taon!
Ngayon, balik sa PBA, magpapasabog ulit ang dalawa para sa inaabangang rematch. Sabi nga ni Brownlee, “It’s always an honor to play against a guy like that... very decorated, galing NBA, tapos ngayon sa international leagues din.” Nakuha ng Ginebra ang kanilang puwesto sa finals matapos ang matinding laban kontra San Miguel Beer sa Game 6, kung saan nanalo sila ng 102-99.
Dagdag pa ni Brownlee, “Sobrang galing ni RHJ. Dapat nasa NBA pa siya! Kaya siguradong masaya at exciting para sa mga fans ang matchup namin. Sana makuha namin ang panalo at championship na ito.”
Syempre, gusto ring makabawi ni Brownlee at ng mga kasamahan niyang sina Scottie Thompson, Japeth Aguilar, Stephen Holt, at RJ Abarrientos sa TNT, na suportado nina RR Pogoy, Calvin Oftana, Jayson Castro, at Rey Nambatac.
“Alam namin mahirap na laban ito,” sabi ni Brownlee. “Pero step-by-step lang kami, hindi kami magmamadali. Gusto namin lumaban ng todo.”
Kaya’t habang nagpapahinga at nagpaplano ang mga koponan bago ang Game 1 sa Ynares Center sa Antipolo sa darating na Linggo, siguradong abangan ang bawat galaw ng dalawang bigating teams na ito.
READ: Abarrientos, Handang Harapin ang Idol na si Jayson Castro sa PBA Finals!