Umpisa ng Mas Mababang Alokasyon ng Tubig para sa Metro Manila Ngayon
Nagsimula na ngayong araw ang mas mababang alokasyon ng tubig sa Metro Manila mula sa National Water Resources Board (NWRB), ayon sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). Mula sa dating 50 cubic meters per second (cms), ang alokasyon ng tubig ay binaba na sa 49 cms. Ngunit, tiniyak ng MWSS na hindi ito magdudulot ng water supply interruptions.