CLOSE

Team ni Gerald Anderson Wagi Laban sa Team ni Vice Ganda sa Star Magic All-Star

0 / 5
Team ni Gerald Anderson Wagi Laban sa Team ni Vice Ganda sa Star Magic All-Star

— Matagumpay na isinagawa ang Star Magic All-Star Games 2024 noong Hunyo 2, na pumukaw ng atensyon sa Araneta Coliseum at online. Pinangunahan ng player-coach na si Gerald Anderson ang Shooting Stars Red basketball team, na nagtapos sa winning streak ng "It's Showtime" team nina Vice Ganda at Vhong Navarro.

"Grabe ang dedication, and it paid off. We're happy," sabi ni Gerald. "Pinaghandaan namin ito ng todo. Nag-extra work kami. Meron kaming chat group, lagi kaming magkausap doon. We're motivating each other, lagi kaming nagbibigay ng mga inspirational words."

Si Ion Perez, Lance Carr, Argel Saycon, Derrick Hubalde, at Young JV ang bumuo ng Mythical 5 ng laro, kung saan kinoronahan si Young JV bilang Most Valuable Player (MVP).

Sa isa pang basketball game, tinalo ng Shooting Stars Blue team nina Donny Pangilinan at Ronnie Alonte ang guest participants na Cong's Anbilibabol Basketball Team.

"Noong nalaman ko na Team Payaman yung kalaban at ako’y niyaya sumali, hindi na ako nagdalawang-isip kasi alam kong magiging masaya ito at talagang magaling at masayang grupo sila. I think it's a great experience for us and for the fans," ani Donny, na pinuri rin ang Star Magic sa patuloy na pag-organisa ng taunang sports fest.

Parehong kasama sina Donny at Ronnie sa Mythical 5 ng laro kasama sina River Joseph, Nelson Mendoza, at Cris Lagudas, kung saan si Ronnie ang naging MVP.

Sa volleyball game, pinangunahan ni Loisa Andalio ang Lady Spikers para ipagtanggol ang kanilang korona laban sa Lady Setters.

Naging MVP si Analain Salvador para sa ikaapat na sunod na pagkakataon at kasama siya sa Mythical Six kasama sina BINI’s Mikha Lim, Vivoree, Awra Briguela, Reign Parani, at Janah Zaplan.

Nag-perform sina Mikha at ang natitirang miyembro ng BINI ng "Pantropiko" at "Karera" sa halftime show ng final game, kasama ang bagong P-Pop boy group na Wrive na nagtanghal din sa games ngayong taon.

Dumalo rin sina Belle Mariano, Barbie Imperial, Francine Diaz, Chie Filomeno, JL at Akira ng BGYO, Mutya Orquia, at Star Magic head na si Lauren Dyogi.