CLOSE

Tigers Pumalag sa Tamaraws, Panalo sa UAAP!

0 / 5
Tigers Pumalag sa Tamaraws, Panalo sa UAAP!

Tinalo ng UST Tigers ang FEU Tamaraws sa UAAP Season 87, 79-70. Matapos ang 3-game losing streak, umangat ang Tigers sa 5-6 sa kanilang kampanya.

— Nakabalik sa porma ang University of Santo Tomas Growling Tigers matapos talunin ang Far Eastern University Tamaraws, 79-70, sa kanilang banggaan sa UAAP Season 87 men’s basketball sa Mall of Asia Arena ngayong Linggo.

Sa wakas, nahinto ng UST ang kanilang three-game losing streak, umangat sa 5-6 sa standings ng liga. Umiinit ang tambalang Nic Cabañero at Forthsky Padrigao, kung saan nag-ambag si Cabañero ng 16 puntos, 3 rebounds, at 3 assists sa pagbabalik niya sa starting lineup. Sinundan siya ni Padrigao na may 14 puntos, 5 rebounds, at 3 assists.

Lumamang ang Tigers sa second half, matapos ang dikitang laban na nagtapos sa 40-all tie sa third quarter. Nagbigay ng boost ang tira ni Cabañero sa free throw line para sa 50-43 lead papasok ng fourth quarter.

Pagdating ng huling quarter, di inurungan ng UST ang Tamaraws, umabot pa ang kalamangan sa 11 points, 57-46, sa likod ng matinding laro ni Kyle Paranada.

Nagbanta ang FEU sa natitirang oras matapos mapababa ang kalamangan sa limang puntos, 64-69, sa layup ni Janrey Pasaol. Sinubukan pang bumalik ng Tamaraws nang makuha ni Jorick Bautista ang bola sa steal, pero agaw-agad ni Christian Manaytay.

Nang ibalik ang bola, tinuldukan ni Cabañero ang laro sa matinding and-1 play, 76-67. Sinubukang humabol ni Pre ng FEU gamit ang tres, pero selyado na ang panalo sa free throws nina Padrigao at Manaytay.

Matindi ang naging laro ni FEU rookie Veejay Pre, na gumawa ng 31 puntos at 14 rebounds, pero siya lang ang nag-double figures sa koponan. Ang Tamaraws ay bumagsak sa 3-7, nakatali sa Adamson Falcons at Ateneo Blue Eagles sa standings.

READ: Tigresses Lumusot sa UAAP Semis; Lady Tamaraws, Napasuko!