— Parang hindi nawala si Kat Tolentino nang bumalik sa court matapos ang mahabang pahinga! Matapos ang ilang buwan ng pagkawala, pinangunahan ng volleyball star ang Choco Mucho Flying Titans sa isang mahigpit na 27-29, 25-20, 25-19, 17-25, 15-12 na laban kontra sa determinadong Galeries Tower Highrisers kahapon sa Premier Volleyball League All-Filipino Conference sa Filoil EcoOil Arena.
“Ang sarap bumalik sa team at makatulong sa kanila,” ani Tolentino, na may 20 attacks at pitong blocks sa kanyang 27-point performance.
Ito ang unang panalo ng Flying Titans matapos ang mapait na pagkatalo sa Petro Gazz Angels noong nakaraang Sabado, kung saan natalo sila sa 25-20, 26-28, 25-1, 25-16.
Ngunit kahit maganda ang balik, aminado si Tolentino na marami pang kailangang ayusin ang team.
“Marami pa kaming kailangang trabahuhin. Pero simula pa lang ito, at marami pa kaming ilalabas,” dagdag ni Tolentino.
Samantala, si Sisi Rondina ay nagbigay ng 19 puntos, kasama ang huling dalawang malalakas na spike na nagselyo ng tagumpay. Nag-ambag din si Chery Nunag ng 14 puntos, at si Lorraine Pecana, isang rookie mula sa Arellano University, ay nakapagtala ng 10 hits para sa Choco Mucho.
READ: Cherry Tiggo, Panalo sa PVL Opener!