— Magkakaroon ng kilos-protesta sa Martes sa harap ng Korte Suprema para igiit ang pagpapalabas ng temporary restraining order (TRO) laban sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), ayon kay Ruben Baylon, deputy secretary general ng Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide (Piston).
Naghain ng petisyon ang Piston laban sa PUVMP noong Disyembre 2023.
Nagwakas noong Abril 30 ang tatlong-buwang palugit na ibinigay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa mga hindi pa nakakonsolidate na pampasaherong jeepney.
Sinimulan ang panghuhuli sa mga hindi rehistradong unit, na tinuturing na colorum o ilegal na PUVs, noong kalagitnaan ng Mayo.
Suportado ng Piston ang panawagan ng Manibela na pahintulutan ang tradisyonal na jeepney na makapag-operate nang isang taon, tulad ng napagkasunduan sa pagdinig sa Kamara.
"Bakit ayaw maglabas ng memorandum circular ang LTFRB para pahintulutan ang operasyon ng tradisyonal na jeepney sa loob ng isang taon?" tanong ni Baylon.
Ilan sa mga miyembro ng Piston ang nahuli sa kasagsagan ng kampanya kontra colorum PUJs, aniya.