CLOSE

Tropa at Gin Kings, Handa na ba sa Game 2?

0 / 5
Tropa at Gin Kings, Handa na ba sa Game 2?

Tropa at Ginebra, hindi pa rin kampante matapos ang panalo sa Game 1 ng PBA semis. Abangan kung kaya ba nila makuha ang 2-0 lead laban sa Rain or Shine at San Miguel!

— Sa kabila ng Game 1 victories ng TNT Tropang Giga at Barangay Ginebra, hindi pa rin daw tulog-tulog ang mga tropa sa laban. TNT import Rondae Hollis-Jefferson, halos triple-double na ang performance, pero aminadong kailangan pa rin ng teamwork para tuloy-tuloy ang panalo kontra sa Rain or Shine.

Sabi ni Coach Chot Reyes, ang depensa ang susi para limitahan ang mga bala ng Elasto Painters. Kailangan daw mag-ambag ang bawat isa para masiguradong mananatili ang kontrol sa serye.

Sa kabilang banda, si Coach Yeng Guiao ng Rain or Shine ay kalmado lang. Alam niyang habang humahaba ang serye, mas pabor ito sa kanyang koponan.

Para naman sa Ginebra, kahit na-domina nila ang San Miguel Beer sa Game 1, aminado si Coach Tim Cone na mahirap i-maintain ang intensity, lalo na’t magaling bumawi ang Beermen.

READ: Holt Umiinit sa Gin Kings, Susi sa Panalo vs Beermen