— Sa gitgitan ng UAAP Season 87 Finals Game 1, nanaig ang puso at determinasyon ng University of the Philippines Fighting Maroons laban sa La Salle Green Archers, 73-65, sa Smart Araneta Coliseum nitong Linggo.
“Mas ginusto nila,” inamin ni La Salle head coach Topex Robinson matapos ang laro. "They did an amazing job defensively, especially sa second half, kaya hirap kami mag-adjust."
Nagpakitang-gilas ang UP sa depensa, lalo na sa pag-neutralize kay Kevin Quiambao, na nagliyab sa unang half pero nahinto sa isang puntos lang sa huling dalawang quarters.
"KQ was on fire early, pero UP made key adjustments," dagdag ni Robinson. "We couldn’t counter sa crunch time, kaya na-break nila ang laro."
Bagamat nahulog sa 11-point deficit, nagawa pang humabol ng La Salle sa fourth quarter, binabaan ang lamang sa apat, 65-61. Pero clutch plays mula kina Gerry Abadiano at Harold Alarcon, pati na ang malalamig na free throws ni JD Cagulangan, sinelyuhan ang panalo para sa UP.
"We’ve been here before," ani Robinson, na nagbigay ng mensahe ng pag-asa para sa Green Archers. "It’s a series—hindi pa tapos. The challenge is to bounce back, and Game 2 is a chance for redemption."
Ang Game 2 ay gaganapin sa darating na Miyerkules, 5:30 p.m., sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.
READ: Clint Escamis, Mapua: Patapos na ba ang 33 Years?