– Handa na si Frances Tiafoe para sa all-American US Open semifinal laban kay Taylor Fritz ngayong Biyernes, na may paniniwalang "wala nang unbeatable" sa tennis.
Sa taon na ito, nakita natin ang pagbagsak ni Novak Djokovic—ang 24-time Slam winner—sa pinakamabilis na pagkatalo niya sa loob ng 18 taon. Gayundin si Carlos Alcaraz, na naging biktima rin ng first-week casualty matapos magkampeon sa French Open at Wimbledon ngayong taon.
Tapos na rin ang era nina Roger Federer, na may limang US Open titles, at Rafael Nadal, na apat na beses nagwagi dito at ngayo'y nasa dapit-hapon na ng kanyang karera sa edad na 38.
"It was only a matter of time, open na ang laro. Hindi na tulad dati na pag naka-quarterfinals ka, kalaban mo si Rafa at nag-iisip ka na ng flight pabalik," ani Tiafoe. "Ngayon, iba na ang laro at walang unbeatable, lalo na pagdating sa huling bahagi ng season kung saan 'yung ibang players, medyo pagod na at vulnerable. Exciting, ‘di ba?"
Si Tiafoe, na seeded 20th, ay nakapasok sa semifinals nitong Martes matapos magretiro si Grigor Dimitrov, ang ninth-ranked player, dahil sa injury sa third set. Natalo si Dimitrov sa fourth set ng kanilang laban na nagtapos sa iskor na 6-3, 6-7 (5/7), 6-3, 4-1.
Naging semifinalist din si Tiafoe noong 2022, habang si Fritz naman ay nakapasok sa kanyang unang Grand Slam semifinal matapos talunin si Alexander Zverev, ang fourth-ranked player at runner-up noong 2020, sa iskor na 7-6 (7/2), 3-6, 6-4, 7-6 (7/3).
Huling nagwagi ang isang American male sa Grand Slam noong 2003 nang si Andy Roddick ang nag-kampeon sa US Open. Siya rin ang huling American na nakapasok sa finals sa New York noong 2006 ngunit natalo kay Federer sa championship match.
Ngayong Biyernes, magaganap ang unang all-American men’s singles semifinal clash mula noong 2005, kung saan tinalo ni Andre Agassi si Robby Ginepri sa US Open.