– Launched globally noong June 20, Honor of Kings ng TiMi Studio Group at Tencent Games, ay agad nagkaroon ng higit sa 50 million downloads worldwide sa loob lang ng unang buwan. Parte rin ito ng unang Esports World Cup sa Riyadh, Saudi Arabia nitong nakaraang buwan.
Dito sa Pinas, naging number one agad ang Honor of Kings sa parehong App Store at Google Play. Bukod pa dito, may all-Filipino team, Boom Esports, na sumali sa Esports World Cup Honor of Kings Invitational.
“Talagang na-appreciate namin ang mainit na pagtanggap ng Pinoy gaming community, lalo na sa mga probinsya at lungsod na di kalapit ng Manila,” sabi ni Benj Dalmacio, senior business development manager para sa Honor of Kings Philippines, sa isang online na panayam sa Philstar.com.
Kahit karamihan ng mga recent face-to-face activities ay sa Metro Manila at Luzon naganap, nangangako si Dalmacio ng mas marami pang events na parating para sa mga players sa Visayas at Mindanao.
“Patuloy kaming naghahanap ng mga partners para sa community-initiated HOK events. At the same time, may mga parating kaming events/tournaments na para talaga sa VisMin players natin,” dagdag pa niya.
Bagama't tatlong buwan pa lang mula nang maging globally available ang laro, ipinangako ng Honor of Kings na marami pang mga exciting na kaganapan ang paparating ngayong taon.
“Expect more activations and events para sa ating mga players, pati na rin more opportunities para sa aspiring teams habang pinapalakas namin ang aming esports efforts,” sabi ni Dalmacio.
Magsisimula ang Philippine qualifier ngayong Friday, August 23, at tatagal hanggang September 1 para sa group stages. Ang mga top squads gaya ng Boom Esports, Oasis Gaming, Execration, at Blacklist International ay maglalaban-laban para makuha ang slots para sa world championships na magaganap sa huling bahagi ng taon.
Become the first to comment