— Nakakagulat na tagumpay ang pinakita ni Zhang Shuai, na tinalo ang US Open semifinalist na si Emma Navarro, 6-4, 6-2, nitong Biyernes sa China Open. Ang 35-anyos na Chinese player, na kasalukuyang nasa ika-595 na pwesto sa world rankings, ay gumawa ng ingay matapos siyang umabante sa third round ng torneo.
Unang nanalo si Zhang ng isang singles match mula pa noong Enero 2023, matapos ang sunod-sunod na 24 talo sa WTA Tour. Gamit ang wildcard entry, pinataob niya rin ang 65th-ranked American na si McCartney Kessler sa nakaraang laban.
Bagama’t hindi inaasahan dahil sa kanyang ranking, tila muling nabuhay ang karera ni Zhang sa kanyang home soil tournament, kung saan siya ang pinakamababa sa ranggo na nakapasok sa main draw ng nasabing prestihiyosong WTA 1000 event.