— Nabasag ang pangarap ni Dottie Ardina na masungkit ang LPGA Tour title matapos siyang matisod sa huling round ng NW Arkansas Championship sa Rogers, Arizona nitong Linggo.
Mula sa pagiging one-shot behind ng leader, natapos si Ardina na may nakakapanlumong four-over 75, dahilan para siya mahulog sa shared 44th spot matapos ang tournament.
Sa kabuuan, nagtapos si Ardina ng six-under 207, 11 strokes behind sa Thai golfer na si Jasmine Suwannapura (61) at ang history-making American na si Lucy Li (60), na nauwi sa playoff.
Sa 72nd hole, nag-eagle si Suwannapura para itabla ang laban. Sa playoff, tinuldukan niya ang game sa pangalawang eagle matapos magmintis si Li sa kanyang third shot.
Si Ardina, na Paris Olympian, ay nakapag-uwi ng $11,004 (mahigit P600,000) pero aminadong dismayado sa kanyang tatlong bogey sa front nine at sunod-sunod na pagkakamali sa back nine, kasama na ang bogey at double-bogey sa Nos. 12 at 13. Kahit pa bumawi siya ng birdies sa Nos. 10 at 14, hindi ito sapat.
Si Ardina ang natitirang Pinay na nakapasok sa final round matapos hindi maka-abante sina Bianca Pagdanganan at Fil-Japanese na si Yuka Saso.
READ: Dottie Ardina, Lumalapit sa Tagumpay!