— Ang NBA draft timing kailangan na sigurong i-rethink, hindi ang buwan kundi ang oras ng simula. Sa anim na oras na agwat ng Paris sa New York, ang mga French basketball fans ay kinailangang magpuyat ng husto noong madaling araw ng Huwebes para masaksihan ang kasaysayan. Ang France ngayon ay pumantay sa Estados Unidos bilang tanging mga bansa na nagkaroon ng tatlong manlalaro na napili sa top 10 picks ng NBA draft.
At habang patapos na ang unang round, umabot sa apat na Frenchmen ang nadraft: sina Zaccharie Risacher, Alex Sarr, Tidjane Salaun, at Pacome Dadiet.
Ang malaking tanong bago magsimula ang draft noong Miyerkules ng gabi ay kung sino kina Risacher o Sarr ang tatawagin bilang No. 1 pick ni Commissioner Adam Silver, at maging pangalawang Frenchman na naging first overall pick kasunod ni Victor Wembanyama, ang nakaraang season’s Rookie of the Year.
Ang Atlanta ang pumili kay Risacher.
Washington naman ang nag-draft sa 7-footer na si Sarr sa No. 2, na nagbigay sa Wizards ng pangalawang sunod na draft pick mula France. Pagkatapos, lalong naging French-flavored ang NBA draft nang pinili ng Charlotte si Salaun bilang No. 6 overall, at ginawang makasaysayan ang gabi para sa France.