—Nagkaroon ng emosyonal na eksena matapos talunin ni Novak Djokovic si Rafael Nadal sa kanilang pinakahuling laban noong Sabado (Linggo, oras sa Maynila) sa "Six Kings Slam" exhibition sa Saudi Arabia. Matapos ang match na natapos sa straight sets, 6-2, 7-6 (7/5), nanawagan si Djokovic kay Nadal na wag munang iwan ang tennis.
"Don't leave tennis, man," ani Djokovic sa post-match interview, habang ina-acknowledge ang matinding rivalry nila ni Nadal sa paglipas ng mga taon. Nagbiro pa siya na balang araw, baka pwede silang mag-relax na lang at mag-inuman sa tabing-dagat.
Si Nadal, 38, ay inanunsyo na magreretiro na siya matapos ang Davis Cup Finals sa Malaga sa susunod na buwan, ngunit sinabi ng mga organizer ng event na posibleng ito na ang huling singles match ni Nadal bilang isang propesyonal na manlalaro.
Naging tanong kay Nadal kung kaya pa ba niyang maglaro sa Malaga, na hanggang ngayon ay wala pang kasiguraduhan. Si Djokovic, kasama sina Nadal at Roger Federer, ay parte ng "Big Three" sa tennis, na nagharap na ng 60 beses bago ang Sabado. Si Djokovic ay may slight edge sa kanilang head-to-head record, 31-29.
Noong kanilang huling laban sa Paris Olympics, tila hindi na nagparamdam si Nadal at natalo siya ng madali sa score na 6-1, 6-4.
Sa Sabado, medyo one-sided ang laban, lalo na't maraming errors si Nadal, at natapos agad ni Djokovic ang unang set sa loob ng 31 minuto. Nag-try naman si Nadal na bumawi at naipuwersa ang second set sa tiebreaker, na nagbigay ng huling iconic na fist pump bago sumuko.
"It's great to see him still fighting kahit na may mga injuries siya," ani Djokovic sa press conference matapos ang laro. Inilarawan pa niya ang araw bilang "very emotional" at "special" dahil ito na ang huling pagkakataon na makakalaban niya ang matinding karibal.
Samantala, sinabi ni Djokovic na mahirap makita na nagreretiro na ang mga kasabayan niya, tulad nina Andy Murray at Roger Federer, at ngayon nga ay si Nadal. "It’s tough in some way to see them go, kasi halos buong career ko, nakipaglaro ako kasama nila," dagdag pa niya.
Nabigyan si Nadal ng golden tennis racket bilang pasasalamat sa kanyang career, at nagpasalamat din siya kay Djokovic para sa lahat ng di malilimutang sandali nila sa court.