Paano Makakamit ang Wastong Nutrisyon Kahit May Budget: Tips mula kay Doktora

0 / 5
Paano Makakamit ang Wastong Nutrisyon Kahit May Budget: Tips mula kay Doktora

Tips para sa wastong nutrisyon kahit may budget mula kay Dr. Joselyn Eusebio, kasama ang ilang practical na tips sa paghahanda ng balanced meals.

— Para sa mga Pilipino, ang kalusugan ay ang susi sa masiglang pamumuhay.

Ngunit, madalas na dumaranas ng kakulangan sa nutrisyon ang mga Pinoy mula pa sa murang edad. Maraming pag-aaral, kabilang na ang ulat ng Department of Health na "National Objectives for Health Report 2023-2028," ang nagpapakita ng pangangailangang tugunan ang malnutrisyon sa kabataan, na isa sa mga pangunahing sanhi ng kakulangan sa bitamina.

Sa kamakailang paglulunsad ng Erceflora "Batang Matatag Campaign," ibinahagi ni Dr. Joselyn Eusebio, isang eksperto sa Developmental at Behavioral Pediatrics, na ang undernutrition ang isa sa mga pangunahing isyu na kinakaharap ng mga batang Pinoy.

"Kung sa unang 1,000 days ay kulang ang nutrisyon ng bata, mahirap na itong baliktarin. Sa panahong iyon, lahat ng kailangang nutrients para sa brain development dapat maibigay," ani Dr. Eusebio.

Kung hindi maagapan, maaaring magresulta ito ng seryosong sakit sa pagtanda gaya ng Diabetes at sakit sa puso. Sa Pilipinas, ipinapakita rin ng mga pag-aaral na marami sa mga matatanda ang hindi nakakakuha ng sapat na essential nutrients sa kanilang pagkain, na nagiging sanhi ng malnutrisyon at iba pang sakit.

Gayunpaman, ayon sa World Health Organization, marami sa mga kakulangang ito ay maiiwasan sa pamamagitan ng tamang edukasyon sa nutrisyon, balanseng diyeta, at suplementasyon kung kinakailangan.

Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Nutrition Month noong Hulyo at National Wellness Month ngayong Agosto, tamang oras ito upang bigyang-diin ang kahalagahan ng wastong nutrisyon na abot-kaya pa rin kahit may budget, ayon kay Dr. Eusebio sa panayam ng Philstar.com.

READ: Paghahanda ng Healthy Meal, Susi sa Pagkamit ng Work-Life Balance

Magtanim ng Gulay sa Bakuran

"Di ba, ang gulay naman is healthy and nutritious? Hindi naman siguro mahal ang seeds at pwede itong itanim sa bakuran. Marami naman tayong pwedeng makuha ng libre, halimbawa ang malunggay at ampalaya, mula sa kapitbahay," dagdag pa ni Dr. Eusebio.

Maghanda ng Balanseng Pagkain

"Kapag nag-prepare ka ng food, dapat balanse. Hindi kailangang magastos para maging nutritious ang pagkain. Kung meron kang kanin, gulay, at isda, sapat na ‘yan para sa carbohydrates, protein, at micronutrients," paliwanag ni Dr. Eusebio.

Panatilihing Buo ang Nutrisyon ng Pagkain

"Paalala ko lang, huwag masyadong lutuin ang gulay dahil nasisira ang mga nutrients nito, lalo na ang mga micronutrients," payo niya.

Ilang Mahahalagang Nutrients

Nagbigay din ng tips si Dr. Eusebio ukol sa ilang importanteng nutrients tulad ng Iron, Vitamin C, Zinc, at Collagen na abot-kaya mula sa iba't ibang mapagkukunan tulad ng munggo, tofu, at iba pang gulay.

Patuloy ang pagsuporta ng top Vitamin C brand na Poten-Cee sa mga pangangailangan ng mga Pilipino, mula noong post-war era hanggang ngayon, sa iba’t ibang format upang matugunan ang pangangailangan ng iba’t ibang lifestyle.

READ: Ang Mahalagang Papel ng Immune System at Zinc sa Kalusugan ng Mga Bata