— Super Typhoon Julian, kilala internationally bilang "Krathon," patuloy na lumalakas habang humahampas ito sa hilagang Luzon. Ala-una ng madaling araw ngayong Martes, nakapagtala ang PAGASA na ang mata ng bagyo ay nasa 205 km kanluran ng Itbayat, Batanes. Dala nito ang hanging umaabot sa 185 kph, habang ang pagbugso ng hangin ay hanggang 230 kph.
Signal No. 2 alerto na ang mga lugar ng Babuyan Islands, Ilocos Norte, pati na rin ang ilang bahagi ng Apayao at mainland Cagayan. Dito, asahan na ang moderate na epekto ng malalakas na hangin. Signal No. 1 naman sa mas malawak na lugar kasama ang Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, at iba pang bahagi ng Luzon.
Hindi lang hangin ang problema; ang malalakas na pag-ulan ay inaasahang magdudulot ng flash floods at landslides sa Ilocos, Cordillera, at hilagang Cagayan. Nakaantabay na ang mga lokal na pamahalaan para sa agarang pag-responde sa mga apektadong lugar. Samantala, warning na rin para sa malalakas na alon at storm surges sa coastal areas, lalo na sa Batanes at Babuyan Islands. Sa ilang bahagi ng dagat, maaari pang umabot sa 7 metro ang taas ng alon— delikado para sa maliliit na sasakyang pandagat.
Patuloy ang bagyo sa mabagal na galaw patungong timog-kanluran ng Taiwan, kung saan inaasahang tatama ito sa kalupaan ng Taiwan pagdating ng Miyerkules, kasabay ng bahagyang paghina ng bagyo habang tinatahak nito ang mga bundok sa rehiyon.
READ: Bagyong Julian, Papalabas na ng Batanes, Papalapit sa Hangganan ng PAR