— Pinatunayan muli ng four-time French Open champion na si Iga Swiatek kung bakit siya ang paborito sa women’s gold sa Paris Olympics. Sinipa niya palabas si Diane Parry ng France sa score na 6-1, 6-1 nitong Lunes.
Matapos matalo sa second round ng Tokyo Olympics, susunod na makakatapat ni Swiatek si Wang Xiyu ng China para makuha ang puwesto sa quarterfinals.
Si Swiatek, ang numero uno sa mundo, ay nanalo ng huling 23 laban niya sa Roland Garros, kasama ang tatlong clay titles ngayong season.
Matapos ma-test sa kanyang unang match sa Court Philippe Chatrier, mas magaan ang laban niya sa ilalim ng maliwanag na araw nitong Lunes. Nakuha niya ang unang limang games at nag-break ng limang beses upang makuha ang panalo sa loob lamang ng 74 minuto.
Nasa isang blockbuster matchup naman sina Rafael Nadal at Novak Djokovic sa oras ng press time, ang kanilang unang pagtatagpo sa mahigit dalawang taon. Habang si US second seed Coco Gauff ay makakatapat si Maria Lourdes Carle ng Argentina mamaya.
Ang reigning men’s French Open at Wimbledon champion na si Carlos Alcaraz ay makakalaban si Tallon Griekspoor ng Netherlands mamaya sa gabi.
Ang matinding init sa Tokyo Olympics ay naging problema para sa mga tennis players, at posible itong bumalik ngayong linggo na may inaasahang temperatura na aabot sa 35 degrees Celsius sa Martes.
Biles Pasabog sa Pagbabalik
Nagbalik si Simone Biles sa Olympic competition noong Linggo, kahit pa may iniindang sakit sa kaliwang binti, upang simulan ang kanyang kampanya para sa mas marami pang medalya.
Ang American gymnast na nagnanais dagdagan ang kanyang apat na gold medals mula sa Rio de Janeiro noong 2016, ay nagtamo ng calf strain habang nagpapainit para sa floor exercise.
Ngunit hindi ito naging hadlang upang ipakita niya ang kanyang signature Yurchenko double pike vault – kilala na ngayon bilang Biles II – na nag-earn ng 9.4 sa execution at total na 15.800 points.
Siya ang nanguna sa qualifying sa all-around, vault, at floor exercise, pangalawa sa beam kasunod ni Zhou Yaquin ng China, at nakaligtaan ang finals sa uneven bars.
Titmus Target pa ng Gold
Isang gabi ng matinding labanan sa pool ang inaasahan, kung saan magtatagisan ang mga pinakamagagaling na swimmers sa mundo para sa limang titulo.
Sa huling race ng gabi, layunin ni Ariarne Titmus na idagdag ang 200m freestyle crown sa kanyang dominanteng 400m victory noong Sabado.
READ: Djokovic Tinalo si Nadal sa Olympics; Alcaraz Umabante Rin