Home allergies persisting? Mold sa Pader at Kisame!

0 / 5
Home allergies persisting? Mold sa Pader at Kisame!

Alamin ang panganib ng mold sa inyong bahay at kung paano ito maiiwasan. Protektahan ang pamilya laban sa allergens at health issues.

— Dapat ang tahanan ay ang ating lugar ng pahinga at comfort. Pero paano kung lagi kayong sinisipon, inuubo, o laging may allergies? Baka may tinatagong kalaban na hindi niyo napapansin—ang mold.

Ang Lihim na Banta ng Mold

Kapag tag-ulan, biglang sumusulpot ang mold sa mga sulok-sulok ng bahay. Gustong-gusto nito ang mamasa-masang environment, kaya madalas itong makikita sa mga banyo, kusina, o kahit saan may water damage.

Sa Pilipinas, dahil sa mataas na humidity, perfect ang kondisyon para sa mold. Bukod sa amoy nitong kakaiba, ang spores ng mold ay nagdudulot ng iba't ibang health issues gaya ng sinus irritation, skin infections, at nagpapababa pa ng quality ng indoor air.

Ano ba Talaga ang Mold?

hardieflex.jpg

Naglalabas ng allergens, irritants, at mycotoxins ang mold. Ang mga particles na ito, pag nalanghap, ay puwedeng magdulot ng health problems lalo na sa may allergies, asthma, o mahina ang immune system.

Paano Malalaman at Mapipigilan ang Mold?

Medyo challenging makita ang mold kung hindi mo alam ang mga senyales. Narito ang ilan:
- Amoy: May kakaibang amoy na parang bulok.
- Makikitang Dumi: Mga itim, berde, o puting spots sa pader o kisame.
- Sintomas ng Allergies: Sipon, ubo, sakit ng ulo, atbp.

Para maiwasan ang mold, importante ang pagkontrol sa moisture. Siguraduhing may tamang ventilation ang banyo at kusina, ayusin agad ang mga tagas, at gumamit ng dehumidifiers kung kinakailangan. Regular na inspeksyon sa bahay para sa mga senyales ng water damage ay malaking tulong.

HardieFlex® NexGen™: Proteksyon sa Pader at Kisame

Ang pag-improve ng bahay para maging mold-resistant ay higit pa sa pag-aalis ng kasalukuyang mold. Piliin ang tamang materials gaya ng HardieFlex® NexGen™, ang pioneer sa fiber cement board technology. Ito'y fire-resistant, termite-resistant, moisture-resistant, antimicrobial, at mold-resistant.

May MoldBlock™ Technology ito na tumutulong pigilan ang toxic black mold at bacteria na nagdudulot ng allergies at masamang amoy. Sa pamamagitan ng HardieFlex® NexGen™, magiging mas matibay at mold-resistant ang inyong tahanan. Hanapin ang green stripes at HardieFlex® branding para siguradong authentic.