— Tunay na “star-studded” ang mga premyo ng 2024 Southwoods Chairman’s Charity Cup! Mula Nobyembre 14 hanggang 16, sisiklab ang aksyon sa Legends at Masters courses ng Manila Southwoods sa Carmona, Cavite—at pihadong ang mga kalahok ay ‘game na game’ lalo pa't mag-uuwian ng bonggang premyo.
Ang taunang torneo ng Manila Southwoods, kilalang ‘flagship event’ ng golf club, ay magbibigay ng mga magagara at engrandeng hole-in-one prizes. Kasama sa mga nakasalang ay ang Mitsubishi XForce GLS 1.5G mula sa Mitsubishi Motors Philippines Corp. (MMPC) at Alpine Motors Corp., pati na rin ang Toyota Raize 1.2E CVT 2025 mula sa Toyota Silang, Cavite.
Bukod pa diyan, may super exclusive na 7-night Mexican Riviera cruise para sa dalawang tao na may kasamang round-trip airfare mula Manila papuntang Los Angeles. Ang makakakuha nito ay parang nanalo na rin ng jackpot, salamat sa RCI at Baron Travel. At kung walang makaka-ace, hindi kayo luhaan—ang mga ito ay iraraffle pa rin sa mga kalahok!
READ: PSA Cup Nagsimula na sa Manila Southwoods