CLOSE

3 Simple Hacks para sa Masarap at Balanced na Pagkain

0 / 5
3 Simple Hacks para sa Masarap at Balanced na Pagkain

Discover 3 practical tips para gumawa ng masarap at balanced meals sa bahay—mula meal planning hanggang personal cookbooks—madali at budget-friendly!

— Hindi kailangan maging mahal o komplikado ang pagkain ng healthy! Sa dami ng masustansya at masarap na pagkaing Pinoy tulad ng adobo, tortang talong, at pinakbet, madali lang ang maghanda ng balanced na meals.

Pero, para sa maraming homemakers, mahirap i-balance ang lasa, nutrition, at budget ng bawat meal, lalo na kung may iba pang ginagawa sa bahay o trabaho.

Good news? May mga simple tips para sa mabilis, masarap, at healthy na pagkain na swak sa budget. Heto ang tatlong hacks na pwedeng subukan:

1. I-try ang meal planning
Iwasan ang stress sa pag-isip kung ano ang lulutuin. Ang meal planning ay makakatulong para maplano mo ang iyong lingguhang menu at grocery list. Tipid oras, tipid pera—at mas creative ka pa sa paghahanda ng mga dishes! Pwede kang gumamit ng Nestlé Goodnes platform para gumawa ng customized meal plans at tuklasin ang iba’t ibang healthy recipes na swak sa budget at panlasa.

2. Isama ang gulay at prutas sa bawat meal
Simple lang magdagdag ng nutritional value sa meals! Pwede kang mag-ensalada o simpleng maglagay ng konting atchara sa silog, o subukan ang mga classic dishes na pinagsasama ang meat at vegetables gaya ng nilaga o sinigang. Kung di mo alam kung anong dish ang gagawin gamit ang mga gulay mo, pwede mong gamitin ang Nestlé Goodnes tool—itype mo lang ang ingredients, at bibigyan ka nila ng recipe ideas!

3. Gawa ng sariling cookbook
Laking tulong ng personal cookbook, lalo na kung DIY! Maging handy ito sa meal planning, at pwede mo pang idagdag ang mga family favorites, recipes ng kaibigan, o mga gusto mong subukan. Sa Nestlé Goodnes, pwede mong i-save ang paborito mong recipes sa personalized cookbook mo. Mas madali nang hanapin ang susunod na ihahain!

Sa kaunting creativity, diskarte, at tulong mula sa mga tools na gaya ng Nestlé Goodnes, possible ang masarap, healthy, at budget-friendly meals—araw-araw!

READ: 7 Quick Breakfasts for Your Family in Under 10 Minutes