CLOSE

5 Healthy Habits para sa Long Life, Ibinahagi ng Registered Nutritionist

0 / 5
5 Healthy Habits para sa Long Life, Ibinahagi ng Registered Nutritionist

Registered nutritionist nagbahagi ng 5 healthy habits para ma-achieve ang long life, kasama na ang walking, resistance training, at gut health tips.

— Sa panahon ngayon, na ang mga kakaibang sakit ay biglang sumusulpot, mas naging intense ang desire nating tumagal at mamuhay ng masaya at malusog.

Hindi lang ito usapang pahabain ang buhay, pero yung siguraduhin din na puno ng sigla at magandang kalidad ang mga taon na 'yan.

Ayon kay Michelle Ricker, RDN, isang eksperto at Herbalife Director for Worldwide Health Education and Training, ito ang limang habits na pwedeng gawin para maabot ang long life:

1. Walk After Every Meal
  Wag mong ismolin ang lakad-lakad. Malaki ang maitutulong nito sa overall health, lalo na sa digestion at pag-manage ng blood sugar levels. Ang simpleng 5-10 minutes na walk after every meal, ayon sa mga studies, ay pwedeng mag-boost ng metabolism at makatulong sa weight management.  
  
2. Resistance Training
  Isang key factor sa long life ay ang pagpapanatili at pag-build ng lean muscle. Sabi ni Ricker, habang tumatanda, nababawasan ang muscle mass natin, kaya importante ang resistance training para mapanatili ang bone density at metabolism. Simpleng push-ups lang araw-araw, simula sa wall hanggang sa floor, malaking bagay na.

3. Kumain ng Protein
  Sa edad na 30 pataas, bumababa ng 3-8% kada dekada ang muscle mass. Kaya naman, mahalaga ang tamang dami ng protein sa katawan, lalo na after mag-exercise. Targetin ang 20-30 grams ng high-quality protein sa bawat meal para suportahan ang muscle growth.

4. Alagaan ang Tiyan
  Kahit madalas nakakalimutan, napakahalaga ng gut health. Ayon kay Ricker, ang gut ay may malaking papel sa digestion, metabolism, at immune health. Para sa magandang gut health, ugaliing kumain ng high-fiber fruits at fermented food tulad ng yogurt.

5. Seek Support
  Huwag kalimutan ang suporta mula sa ibang tao. Ang pakikisalamuha at paghahanap ng community ay nakakatulong sa motivation at sa pag-achieve ng goals. Ang longevity ay hindi lang individual effort, kundi collective journey rin na nagtataguyod ng connection at support.  

Paalala ni Ricker, "Ang holistic approach sa well-being na nagpo-focus sa physical activity, good nutrition, at meaningful connections ay susi sa long life. I-apply ang mga hakbang na ito sa daily routine mo para sa mas mahabang buhay."

READ: Paano Makakamit ang Wastong Nutrisyon Kahit May Budget: Tips mula kay Doktora