— Nawala na ang matinding init ng tag-araw at El Niño, ngunit naririyan pa rin ang maalinsangang panahon. Narito ang ilang tips para manatiling hydrated at labanan ang init.
1. Uminom ng walong baso ng tubig kada araw
Kung kaya mo, uminom ng higit pa. Panatilihing hydrated ang katawan sa kabila ng pawis. Umpisahan ang umaga sa isang baso ng tubig at gawing habit ang pag-inom bago matulog. Uminom ng tubig bago kumain para mas maayos ang pagtunaw ng pagkain.
2. Iwasan ang direktang sikat ng araw mula 10 a.m. hanggang 4 p.m.
Kung puwede, manatili sa loob ng bahay o sa malamig na lugar. Kung kailangang lumabas, magdala ng payong at bote ng tubig para sa paminsang-minsang pag-inom. Mahalagang manatili sa air-conditioned na lugar lalo na kung may health conditions tulad ng hypertension.
3. Kumain ng mga pagkaing mayaman sa tubig
Ang mga prutas gaya ng pakwan, melon, at oranges ay mahusay sa hydration. Sa gulay naman, subukan ang pipino at letsugas.
4. Uminom ng buko juice
Ang buko juice ang pinaka-the best para manatiling hydrated, cool, at maalis ang toxins sa katawan. Subukan din ang ibang malamig na inumin tulad ng iced tea, iced coffee (kape sa yelo), at natural na juices at shakes. Mas mainam ang caffeine-free na options.
5. Suriin ang kulay ng iyong ihi
Kung medium to dark yellow, baka kulang ka sa tubig.
RELATED: 5 Paraan Para Manatiling Healthy sa Tag-ulan