CLOSE

5 Paraan Para Manatiling Healthy sa Tag-ulan

0 / 5
5 Paraan Para Manatiling Healthy sa Tag-ulan

— Sabi ng PAGASA, nagsimula na ang tag-ulan dito sa Pilipinas. Kaya oras na para maghanda ng mga kapote, jacket, at payong para protektahan ang sarili at pamilya sa sipon, ubo, at lamig na dala ng ulan.

Narito ang ilang simpleng tips mula sa LAC, isang health and wellness supplement retailer, para panatilihing masaya, tuyo, at malusog ang pamilya ngayong tag-ulan.

1. Lumikha ng Mainit at Maginhawang Bahay
Walang tatalo sa pagiging komportable sa bahay tuwing maulan. Maghanda ng mga kumot at unan at gawin itong cozy spot para sa pamilya. Maglaro ng board games, manood ng pelikula, o magbasa ng libro. Ang ganitong ambiance ay nagtataguyod ng kabuuang kalusugan at nagpapababa ng stress.

2. Tiyaking May Maayos na Tulog ang Lahat
Ang sapat na tulog ay mahalaga para sa kalusugan. Magkaroon ng regular na bedtime routine at siguraduhing nakukuha ng lahat ang tamang pahinga. Ang tunog ng ulan ay perfect lullaby para makatulog nang mahimbing ang buong pamilya.

3. Hikayatin ang Pisikal na Aktibidad
Kahit maulan, mahalaga pa rin na manatiling aktibo. Pwede kayong mag-zumba, mag-yoga, o maglaro ng indoor games tulad ng charades. Ang regular na exercise ay nagpapasaya at nagpapababa ng stress.

4. Kumain ng Masustansya
Sa tag-ulan, madalas gusto natin ng comfort food. Ok lang 'yun, basta't balansihin ng healthy meals. Magluto ng mga pagkaing puno ng prutas, gulay, at lean proteins. Ang Vitamin C mula sa prutas at green leafy vegetables ay importante para sa immunity.

5. Uminom ng Supplements
Para mapalakas ang immune system, uminom ng high-quality supplements. Pumili ng may Vitamin C, Vitamin D, Zinc, at probiotics. Ang LAC TriAction C1000 ay may tatlong beses na benefits ng regular Vitamin C, habang ang LAC ImmuGuard Junior ay tumutulong sa mabilis na paggaling ng mga bata.

Sa simpleng mga paraan na ito, mapapanatili mong malusog at masaya ang pamilya kahit tag-ulan. Maglaan ng oras para mag-bonding, kumain ng masustansya, mag-exercise, at uminom ng supplements. Happy rainy season!