Si Dr. Willie Ong, kilala bilang isang eksperto sa kalusugan, ay muling nagpaalala tungkol sa ilang gulay na pwedeng makakaapekto sa blood sugar levels, lalo na sa mga taong may diabetes. Sa kanyang vlog, binigyang diin ni Dr. Ong ang pagkakaroon ng mabuting balanse sa pagkain ng gulay, ngunit pinaalalahanan niya rin na may mga gulay na dapat limitado ang konsumo dahil sa epekto nito sa blood sugar.
Ano-ano ang mga gulay na dapat iwasan?
Ayon kay Dr. Ong, ang mga gulay tulad ng mais, patatas, kamote, sayote, at luya ay mataas ang glycemic index, ibig sabihin, madali nitong napapataas ang blood sugar. Kahit na gulay pa ang mga ito, hindi ibig sabihin ay ligtas na agad kainin ng walang limitasyon, lalo na sa mga may diabetes.
“Ang carbohydrates ay importante pa rin naman, pero ingat-ingat lang at wag sobrahan,” sabi pa ni Dr. Ong. Minsan kasi, dahil "veggies" ito, akala ng iba ay safe kainin nang madami, pero dapat alam pa rin ang tamang sukat at paraan ng pagluto para maiwasan ang komplikasyon sa kalusugan.
READ: Iwas-Acid Tips Para sa Malusog na Katawan
Gulay na Safe Kainin:
Samantala, inirekomenda rin ni Dr. Ong ang ilang gulay na may mababang glycemic index tulad ng ampalaya, talbos ng kamote, pechay, kangkong, okra, at upo. Ang mga gulay na ito, ayon kay Dr. Ong, ay hindi lang healthy kundi nakakatulong pa sa pag-regulate ng blood sugar levels.
“Basta tandaan lang, hindi porke’t gulay ay safe na lagi. Kailangan pa rin ng balance at moderation, lalo na sa mga may diabetes,” dagdag pa ni Dr. Ong.
Sa dulo ng araw, ang pinakamahalaga ay ang wastong pagpaplano ng diet at konsultasyon sa health professional para makagawa ng tamang plano ng pagkain na naaayon sa iyong pangangailangan.