Sa kaso ng Solmux Advance with Zinc, isa sa mahigit 300 brand ng Unilab, higit tatlong dekada nang nilulunasan nito ang ubo gamit ang carbocisteine, isang mucolytic na nagbibiyak at nagpapalabnaw ng plema para mas madaling mailabas ito.
Noong 2019, nagdagdag sila ng 5 mg na zinc sa Solmux capsule at 10 mg (per 5 ml) at mint flavor sa suspension formula nito. Ang zinc ay mahalaga sa paggaling ng sugat, paggawa at pag-iimbak ng insulin, at tamang paggana ng thyroid at metabolism natin. Kadalasan itong kinikilala para sa pagpapalakas ng ating immune system.
Sabi ni Dr. Maria Ronila Santos, pulmonologist at direktor para sa medical affairs sa Unilab, “Pansinin mo, halos lahat ng produkto ngayon may zinc na. Pati toothpaste may zinc. Base sa mga pag-aaral, mababa ang zinc level kapag may infection. Dahil mahalaga ang zinc sa immune response, kapag mababa ang zinc level, mas mabagal ang paggaling sa sakit."
Kahit bago pa lang, napatunayan ng Solmux Advance with Zinc ang bisa nito lalo na noong pandemya. “Sa pag-aaral, natulungan ng carbocisteine ang pagresolba ng mga sintomas ng COVID-19,” sabi ni Dr. Santos. “May direct antiviral effect ang zinc na pumipigil sa virus na dumikit sa respiratory tract. May anti-inflammatory effect din ito at nagpapalakas ng immune system."
Ang maingat na proseso ng paggawa ng Solmux Advance with Zinc at iba pang gamot ng Unilab ay tinitiyak na sulit ang bawat sentimong ginagastos ng mga mamimili sa mga dekalidad, mabisa, at abot-kayang produkto ng Unilab.
Sa loob ng malawak na Unilab Pharma Campus sa Biñan, Laguna, naroon ang Amherst Laboratories, Inc. gamit ang pinakamodernong teknolohiya, safety measures, at ekspertong tao at makina sa paggawa ng solid at liquid drugs. Kinilala ito ng FDA na may Current Good Manufacturing Practice (CGMP) certification.
Ayon kay Titus G. Cheng, senior manager ng R&D sa Unilab, "Nagsisimula kami sa R&D, kumukunsulta sa Medical Affairs, at bumubuo ng mga produktong may medikal na kahalagahan. Sa pagbuo ng formula, mahigpit naming sinusuri ang chemical, physical at microbiological properties, gamit ang mga sangkap na alam naming ligtas. Sinusuri rin namin ang stability sa iba’t ibang temperatura, dissolution, absorption, kaligtasan mula sa microbes, at kung may impurities na nabubuo sa storage. Lahat ng ito ay ginagawa para matiyak na ang produkto ay mananatiling stable at epektibo sa inirekomendang shelf life nito."
Kaya sa susunod na iinom ka ng gamot para sa anumang nararamdaman mo, tandaan mo na bawat dose ay bunga ng matagal na pananaliksik ng mga eksperto na ang tanging hangarin ay pagalingin ka at ibalik ang iyong kalusugan.