CLOSE

Baby Fat, Pampabata? Alamin!

0 / 5
Baby Fat, Pampabata? Alamin!

Discover how baby fat can keep you looking younger, says Dr. Chesca Alvarado. Learn the importance of collagen and skincare to slow aging and maintain a youthful glow.

— Sa kabila ng uso ngayon ng pagpapasexy at pagpapapayat, si dermatologist at TikTok star Dr. Chesca Sy-Alvarado ay nagpapaalala na hindi lahat ng taba sa katawan ay masama.

“Yung dermis, yan yung deeper layer ng skin na may collagen at elastic fibers, na nagbibigay ng structure sa skin. Usually, sa subcutaneous fat naman, yan yung nagdadala ng youthful glow—more fat sa face o katawan, mas mukhang bata. Aside sa volume at support, ito rin ang nagre-regulate ng body temperature at rich in stem cells,” paliwanag ni doktora sa kanyang talk para sa Avon Anew anti-aging solutions launch sa Makati.

Ang balat daw kasi, bukod sa pagiging largest organ ng katawan, ay maraming function na sobrang importante para protektahan ang katawan.
“Ang nerve endings nasa skin, kaya yun ang nagtutulak sa atin para ma-sense yung mga dangers. Ang epidermis naman, yung barrier na unang proteksyon natin sa environment,” dagdag pa ni doktora.

Nag-e-explain din si Dr. Chesca tungkol sa collagen, na siyang nagbibigay ng strength, elasticity, at structure sa balat. “Pero, starting mid-20s, bumababa na ang collagen production. Kaya, mahalagang alagaan ang skin at mag-supplement ng collagen para maiwasan ang maagang pagtanda.”

Ayon kay doktora, maraming factors ang nagko-contribute sa skin aging. Kasama dito ang genes, metabolism, at iba pang external factors tulad ng sun exposure, polusyon, at stress. Nagbigay pa siya ng tips para mapanatili ang youthful skin—kumain ng antioxidants, iwasan ang smoking at alkohol, at gumamit ng tamang skincare tulad ng Avon Anew cream na may Protinol, isang breakthrough ingredient na tumutulong mag-boost ng collagen.

Sa parehong event, ipinakilala ni Jowie Dizon, Head of Beauty Innovation sa Avon Philippines, ang bagong Anew Skin Renewal Power Cream na may 10X Protinol at Niacinamide para mas mapatibay ang skin at mapanatili ang elasticity nito.

READ: Importance of Daily Sunscreen Use, Especially in Summer