— Unti-unti nang lumalabas ng Batanes ang Typhoon Julian (international name: Krathon) matapos itong magdala ng matinding ulan at malalakas na hangin sa Northern Luzon, ayon sa PAGASA.
Bandang 5 p.m. nitong Lunes, Sept. 30, iniulat ng PAGASA na si Julian ay kumikilos patungo sa hilagang-kanlurang hangganan ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Sa kabila ng unti-unting pag-alis ni Julian, mga lugar na nasa ilalim ng Wind Signal No. 4 ay makakaranas pa rin ng matitinding hangin hanggang sa gabi.
Ayon sa huling bulletin, matatagpuan ang mata ng bagyo 95 kilometro kanluran-timog kanluran ng Itbayat, Batanes. Taglay nito ang maximum sustained winds na aabot sa 175 kilometers per hour (kph) malapit sa gitna, at may pagbugsong umaabot ng 215 kph.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong kanlurang-hilagang kanluran sa bilis na 15 kph.
Mga lugar na apektado ng cyclone signals:
- Signal No. 4, typhoon-force winds: Batanes
- Signal No. 3, storm-force winds: Hilagang at kanlurang bahagi ng Babuyan Islands
- Signal No. 2, gale-force winds: Hilagang at kanlurang bahagi ng Mainland Cagayan, Apayao, Abra, Kalinga, Ilocos Norte, at hilaga at gitnang bahagi ng Ilocos Sur
- Signal No. 1, strong winds: Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Ifugao, Mountain Province, Benguet, natitirang bahagi ng Mainland Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, hilagang bahagi ng Aurora at Nueva Ecija.
Pinaalalahanan ng PAGASA ang mga residente sa mga lugar na ito na manatili sa mga evacuation centers o matibay na gusali at iwasan ang mga riverbanks at coastal areas para makaiwas sa pagbaha at storm surges.
May banta rin ng moderate to high risk ng life-threatening storm surge sa susunod na dalawang araw, partikular sa mga baybayin ng Batanes, Cagayan, at Ilocos Norte.
Mga lugar na maaring makaranas ng malalakas na hangin bukas, Oktubre 1:
- Rehiyon ng Ilocos
- Cordillera Administrative Region
- Hilagang at silangang bahagi ng Mainland Cagayan
- Silangang bahagi ng Isabela
- Aurora
- Zambales
- Bataan
- Metro Manila
- CALABARZON
- Romblon
- Camarines Norte
- Camarines Sur
- Catanduanes
Inaasahang galaw ng bagyo:
Ayon sa forecast, tatahakin ni Julian ang pagliko papuntang hilaga sa Martes, Oktubre 1, at magtutuloy-tuloy patungong hilaga-silangan patungo sa southwestern coast ng Taiwan sa Oktubre 2. Inaasahan din na mas lalakas pa ang bagyo at maaaring maging super typhoon bago magtapos ang gabi.
READ: Bagyong Julian: May Typhoon Potential this Weekend, WALANG Landfall