CLOSE

Bakit Lagi Kang Inaantok Kahit Kumpleto ang Tulog Mo?

0 / 5
Bakit Lagi Kang Inaantok Kahit Kumpleto ang Tulog Mo?

Alamin kung bakit kahit 8 hours ka nang natulog ay parang kulang pa rin! Mga sanhi ng hypersomnia, ayon sa eksperto, at paano ito maaagapan.

—Naka-8 hours ka na ng tulog pero bakit parang kulang pa rin? Ayon kay Dr. Maria Patricia Ann T. Puno, isang Sleep Medicine Specialist mula sa Makati Medical Center, madalas na pagkaantok kahit tapos na ang required na tulog ay maaaring senyales ng tinatawag na hypersomnia.

Ano nga ba ito? “Kung inaantok ka pa rin kahit kumpleto na ang tulog mo, maaaring may iba pang sanhi,” sabi ni Dr. Puno. Isa sa mga posibleng dahilan ay ang mga gamot gaya ng antihistamines, anti-epileptics, at muscle relaxants, na maaaring magdulot ng labis na pagkaantok kapag ininom sa araw. Mayroon ding mga kondisyon gaya ng hypothyroidism, Parkinson’s disease, at sleep apnea na nauugnay sa matinding antok.

May mga rare na sleep disorders din gaya ng narcolepsy, kung saan bigla na lang nakakatulog ang pasyente kahit gising na oras pa, at ang Kleine-Levin Syndrome, isang bihirang kondisyon na nauugnay sa pagkaantok at kakaibang ugali o pag-iisip.

Pero kung simpleng kulang sa tulog lang ang sanhi, simpleng lifestyle changes ang solusyon. Puwede mong subukan ang mas maagang pagtulog, regular na pag-eehersisyo, at meditation para gumanda ang kalidad ng iyong tulog. Minsan, ang quick nap na 15-30 minutes ay sapat na para ma-boost ang energy at pag-iisip mo.

Kung epekto naman ng gamot ang labis na antok, mas mabuting kumonsulta sa iyong doktor para hanapan ng alternatibong solusyon o bawasan ang dosage.

READ: Epekto ng Midnight Snacking sa Weight at Health