CLOSE

Bianca Gonzalez at Andi Manzano Nagbahagi ng Tips para sa Healthy Lifestyle ng mga Bata

0 / 5
Bianca Gonzalez at Andi Manzano Nagbahagi ng Tips para sa Healthy Lifestyle ng mga Bata

Mga celebrity moms Bianca Gonzalez at Andi Manzano nagbahagi ng tips para sa healthy lifestyle ng mga bata sa Ceelin event sa Mandaluyong. #Parenting #HealthyKids

— Sa pagdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng vitamin brand na Ceelin sa Unilab Bayanihan Center sa Mandaluyong City noong Mayo 17, ibinahagi ng celebrity endorser na si Marian Rivera-Dantes ang kanyang makulay at minsan ay challenging na buhay bilang ina.

Sa kanyang mga social media posts, ipinahayag ng "Kapuso Primetime Queen": “Punong-puno ng saya at pagmamahal ang aking kabataan. Kaya bilang isang ina, gusto kong masiguradong happy at healthy ang childhood ng mga anak ko. Buti na lang, kasama ko ang Ceelin sa pagbibigay ng proteksyon para laging strong ang immunity ni Zia araw-araw sa kanyang mga outdoor activities. At kahit magkasakit, kampante ako na mas mabilis siyang gagaling.

“Patuloy kong magiging katuwang ang #CeelinHaligiNgProteksyon - noon, ngayon, at bukas.”

Nagpapatuloy ang food supplement brand sa kanilang advocacy para sa masayang pagkabata na may kasiguraduhan ng immunity, na tampok sa kanilang bagong TV commercial kung saan makikita ang isang batang malusog na nag-eexplore sa mundo, habang binabantayan siya ng kanyang ina para manatiling malakas at protektado.

Sa programa, ibinahagi ni Marian kung bakit tiwala siya sa brand para sa immunity ng kanyang mga anak, kasama ang mga kapwa celebrity moms na sina Bianca Gonzalez-Intal at Andi Manzano-Reyes sa masiglang usapan na pinangunahan ni Patty Laurel-Filart.

Si Bianca, asawa ni JC Intal at ina kina Lucia at Carmen, ay isang TV host, manunulat, at advocate. Siya ang lumikha ng #PaanoBaTo at co-founder ng @shetalksasia. Sa kanyang mga social media posts pagkatapos ng event, sinabi niya:

“Happy to celebrate this milestone with fellow moms like @marianrivera and @andimanzano, sharing stories and learning from guest experts. We all want our kids to make the most out of their childhood, and @ceelin.ph is my everyday partner in making sure they stay healthy, protected with a strong immune system, and to help them recover faster from sickness so they can do everything they want to do!

“Mom tip: we take Ceelin Plus the same time everyday (after breakfast) to create that daily habit and routine of drinking vitamins, and kids follow what they see more than what you say to them, so it’s important for us parents to set the example of drinking our vitamins daily!”

Samantala, si Andi na isang ina kina Olivia, Amelia, at Lucia, ay mahilig sa motherhood, travel, fashion, golf, at paggawa ng vlogs.

Sa panel discussion, ibinahagi nina Bianca at Andi ang kanilang exciting at challenging experiences bilang mga young, working moms.

Ayon kay Bianca: “Sa 8 taon na pagiging ina ko, dahil may 8-year-old at 5-year-old ako, totoo na values are caught, not taught. Kahit gaano mo sabihin sa anak mo na, ‘Anak, gawin mo 'to. Anak, take this.’ Kung di mo ipapakita, paano ko aasahan na gagawin ng anak ko?

"‘Anak, take vitamins pero kung di ko gagawin? Pero naturally, kapag nakita nila tayo na ginagawa ang lahat para sa good health tulad ng tamang pagkain, pag-inom ng vitamins, pagiging active, at good hygiene, naturally, mag-i-imbibe na rin sa everyday routine nila."

Dagdag pa ni Andi: “For me, it's really like, just to add to what they said, you have to also observe your children, right? Kasi minsan may isang anak na mas madalas magkasakit, or needs a little more sleep or extra, you know, sun or, you know, more nutrition. Kaya para sa akin, it's just really observing your children. And sometimes it could also be the weather or when they come home from school. So it's really observing and seeing what they need at the moment.”

RELATED: Paano Pinoprotektahan ni Marian Rivera ang Kanyang mga Anak Laban sa Pagbabago ng Panahon