Matapos ang halos isa't kalahating taon sa serbisyo militar, si Jin ng BTS ay pormal nang nakalabas kaninang umaga. Makikitang masaya siyang umaalis sa kampo militar sa harap ng Korean media.
Naroon ang mga kapwa BTS members upang sumalubong sa kanya sa kanyang espesyal na araw, sabik na makita siyang muli sa labas ng military base.
Nag-enlist si Jin noong Disyembre 2022, at ngayon siya ang kauna-unahang BTS member na natapos ang serbisyo. Ikinagagalak ng fans na makikita siya ulit sa publiko.
Sa 2024 FESTA na gaganapin sa Jamsil Sports Complex sa southern Seoul, magbibigay si Jin ng libreng yakap sa ARMY sa June 13. Ayon sa BigHit Music, ang unang sesyon ay magiging para sa "light hugs" na aabot ng tatlong oras.
Ang "FESTA" ay isang taunang event na inorganisa ng BTS' agency para makipag-celebrate sa mga ARMY sa kanilang official debut anniversary.
Ito rin ang unang opisyal na public appearance ni Jin simula nang siya ay pumasok sa military service noong Disyembre 2022.