— Iba-iba ang reaksyon ng mga babae kapag nalaman nilang sila ay buntis. Para sa mga may sensitibo o komplikadong pagbubuntis, may halong takot ang nadarama. Ganun din para sa mga nagkaroon ng miscarriage o sa mga hindi pa handang maging ina, maaaring dahil sa edad, estado ng pananalapi, o emosyonal na kahandaan.
Pero sa karamihan ng mga kaso, ang balitang pagbubuntis ay kadalasang nagdudulot ng saya at excitement. Sa kabila ng discomforts tulad ng “morning sickness,” ang pagdating ng isang anak ay laging magandang balita.
At higit pa dito, may mga perks din pala ang pagbubuntis!
Ayon kay Dr. Martin P. Manahan ng Makati Medical Center’s Department of Obstetrics and Gynecology, may mga pagbabago sa katawan at kaisipan ng ina na dulot ng pagbubuntis na talagang beneficial.
“Dahil mahalaga ang kalusugan ng ina para sa kalusugan ng bata, kadalasang nagiging oportunidad ang pagbubuntis para magbago ng lifestyle papunta sa mas healthy na pamumuhay,” sabi ni Dr. Manahan. “Ang responsibilidad ng pagiging ina at ang pagnanais na mapanatiling malusog ang sanggol ay nagtutulak sa mga ina na gumawa ng mas mabuting choices at behaviors.”
Bukod sa napakahalagang pagbabagong ito, narito pa ang ilan sa mga benepisyong hatid ng pagbubuntis:
1. Mas Madali ang Menstruation
Maraming kababaihan ang napapansin na mas hindi na masakit ang kanilang menstruation pagkatapos manganak.
“Ang dysmenorrhea ay nawawala sa pagbubuntis, kahit anong uri pa ng panganganak,” sabi ni Dr. Manahan.
2. Improved Intimacy
Hindi lang si mommy ang naglalabas ng hormones sa stage na ito.
“Ang baby sa loob ng tiyan ay gumagawa ng sex hormones na estrogen at testosterone. Kasama ang hormones ng ina, maaaring dahilan ito ng mas mataas na sex drive,” ayon kay Dr. Manahan.
Kapag alam ni mommy na buntis na siya, nawawala ang tension, kaya mas nag-eenjoy siya sa intimacy kasama ang kanyang partner.
3. Mas Mababang Panganib ng Sakit
“Ang pagbubuntis ay sinasabing nagpapababa ng tsansa na magkaroon ng breast, ovarian, at endometrial cancers, multiple sclerosis, heart disease, diabetes, at stroke,” ayon kay Dr. Manahan.
“Kapag buntis ka, mas madalang ka magkaroon ng menstruation, kaya mas kaunti ang exposure mo sa estrogen at progesterone, mga hormones na nagpapataas ng risk ng cancer. Nag-aadjust din ang immune system para hindi 'atakihin' ang baby, at dahil dito, nababawasan ang inflammation na posibleng magdulot ng nerve damage,” dagdag niya.
4. Better Mood
Pagkatapos ng hormone-powered journey na dulot ng pagbubuntis, maraming kababaihan ang napapansing nagiging mas stable ang kanilang mood.
“Malaki ang papel ng hormone na oxytocin sa bonding ng ina at ng kanyang sanggol. Malamang na makaramdam ka ng love surges o basta positive vibes tuwing hahawakan o i-breastfeed mo ang iyong baby,” sabi ni Dr. Manahan.
Ang pagbubuntis ay hindi lang nagbubunga ng isang sanggol; ito rin ang simula ng pagiging ina. Pagkatapos ng panganganak, awtomatikong nagiging ina ang isang babae.
“Ang proseso ng pagiging ina ay tinatawag na matrescence,” paliwanag ni Dr. Manahan. “Sa stage na ito, nagsisimulang pag-isipan ng isang babae ang kanyang buhay, lalo na ang mga desisyon at paniniwala niya. Ang matrescence ay maaaring mag-signal ng bagong chapter sa iyong buhay, isang chance na maging mas mabuti at gumawa ng mas mabuting bagay para sa iyong sarili at sa iyong pamilya.”
READ: Healthy Tiyan Tips: Iwas Digestive Problems!