— Hindi lahat ng Lumpiang Shanghai ay pantay-pantay. Yung homemade, mas flavorful, mas punong-puno ng filling, at mas crispy nang matagal. Sino nga ba ang nagmamay-ari ng pinakamasarap na Lumpiang Shanghai?
Si Chef Jackie Ang Po, isa sa mga pinakamagaling sa larangan na ito, ay may pasabog na recipe!
"Marami ang nagtatanong sa akin kung paano mapanatiling crispy ang Lumpiang Shanghai nang mas matagal. Heto ang recipe ko. Sundin ito para makamit ang hinahanap mong long-lasting 'lutong'," sabi ni Chef Jackie.
Lumpiang Shanghai Recipe
- 1 tbsp. Sunny Farms cooking oil
- 6 cloves bawang, minced (20 grams)
- 1 pc. sibuyas, minced (70 grams)
- 1 maliit na carrot, brunoise cut (80 grams)
- 30 grams spring onion, chopped
- 4 tbsps. harina (36 grams)
- 1 1/2 pcs. pork cubes
- 1 tbsp. calamansi juice
- 500 grams ground pork
- 22 pcs. spring roll wrapper (6x6 inches)
- 22 pcs. 3x3 insert spring roll wrapper
- 10 grams cornstarch
- 1/4 cup tubig
- Sunny Farms cooking oil para sa deep-frying
Paraan ng Pagluluto:
1. Igisa ang bawang at sibuyas sa mantika hanggang maging translucent. Idagdag ang carrots at spring onion. Lutuin hanggang matuyo at palamigin.
2. Idagdag ang harina, pork cube, calamansi juice, at ground pork. Haluin ang mga gulay.
3. Hatiin ang mixture sa 30-gram na bahagi.
4. Ibalot sa double-centered lumpia wrapper at isara gamit ang cornstarch paste. Para sa cornstarch paste, paghaluin ang tubig at cornstarch sa isang kaserola at lutuin hanggang maging paste.
5. I-prito agad o i-freeze. Siguraduhing iprito hanggang maging golden brown. Para sa freshly made o frozen lumpia, iprito ng 12 hanggang 15 minuto sa 325°F.
6. Pagkatapos iprito, ilagay sa wire basket para ma-drain ang sobrang mantika.
7. Ihain kasama ng suka o sweet chili sauce.
Yields: 22 pieces (2 tbsps. o 30 grams bawat lumpia).
Tandaan: Puwedeng iprito agad o i-freeze ang freshly made Lumpiang Shanghai. Huwag i-refrigerate. Hindi na kailangang i-thaw ang frozen Lumpiang Shanghai bago iprito.