CLOSE

'DENR magsasagawa ng kampanya sa Earth Day, bawat araw'

0 / 5
'DENR magsasagawa ng kampanya sa Earth Day, bawat araw'

Mga mag-aaral, nakilahok sa clean-up activity sa baybayin ng Las Piñas-Parañaque Wetland Park kahapon bago ang pagdiriwang ng Earth Day sa April 22

MAYNILA, Pilipinas — Nakatakdang ilunsad bukas ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kanilang proyektong "Earth Day, Bawat Araw" sa layuning makapag-mobilisa ng mga mas batang henerasyon sa pagpigil sa polusyon sa plastik sa bansa.

Ang proyekto ay naglalayong itanim at palakasin ang kultura ng pananagutan sa kalikasan sa gitna ng mga kabataan, ayon kay Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga.

"Ang proyektong 'Earth Day, Bawat Araw' ay nagtataguyod ng pagpapalaganap ng mga praktikal na pamamaraan upang bawasan ang basura at palakasin ang kultura ng pagiging mapanatili sa kalikasan sa gitna ng mga kabataan at komunidad, at nagpapakilos ng pakikilahok sa pamamagitan ng mga insentibo," pahayag ni Loyzaga.

Nasa 11 milyong pampublikong mag-aaral ang nakatakdang makilahok sa edukasyon sa pamamahala ng solid waste kasabay ng pagsasanay para sa mahigit na 2,000 lider sa komunidad sa buong bansa.

Kasama sa proyekto ang isang kompetisyon sa pagkolekta ng mga plastik sa buong bansa upang makatulong sa pagpigil sa polusyon sa plastik at pagpapalakas sa kampanya laban sa paggamit ng single-use plastic.

Ang mga mag-aaral na may pinakamaraming kolektadong plastic ang magwawagi ng mga premyo, na may mga puntos na itatakda depende sa uri ng plastik na nakuha.

Ang mga premyo ay ipamimigay sa klase na may pinakamataas na puntos kada buwan at sa katapusan ng taon.

Itinataguyod ng DENR ang isang circular economy sa bansa kung saan maaaring muling gamitin, ma-recycle, at mapangalagaan ng responsableng mga aplikasyon ng plastik.