CLOSE

Doc Willie Ong: “Feeling ko, Cancer Ko Galing sa Bashing ng 2022 Campaign

0 / 5
Doc Willie Ong: “Feeling ko, Cancer Ko Galing sa Bashing ng 2022 Campaign

Celebrity doctor Willie Ong reveals Sarcoma Cancer and Neutropenic Sepsis. He believes campaign bashing during the 2022 VP run worsened his condition.

— Kilalang celebrity doctor na si Willie Ong, kamakailan lang ay ibinunyag na siya'y may Sarcoma Cancer, at nagkaroon ng seryosong komplikasyon dahil sa Neutropenic Sepsis. Sa kanyang latest vlog, ibinahagi ni Ong na bumagsak ang kanyang blood pressure sa 85/60 habang ang kanyang white blood cells level ay bumaba sa 0.36.

"Ang sarcoma ko, humaharang na sa esophagus, kaya hirap na ako lumunok ng pagkain," kwento ni Doc Willie. Isa pang nakakabahalang detalye ang sinabi niya, "Feeling ko, lahat ng ito galing sa mga negative thoughts, mga masasakit na salita, at bashing na natanggap ko nung 2022 vice presidential campaign."

Ayon sa doktor, mas lumala pa ang kanyang kondisyon simula noong April 2023, habang siya'y nasa medical missions. "Pag mainit, hindi ko na kaya. Hingal, pagod, at parang hindi na tinatanggap ng katawan ko ang pagkain," dagdag niya.

Sa kabila ng lahat, patuloy na naniniwala si Ong na malaking bagay ang dasal mula sa mga sumusuporta sa kanya. "Kung ipagdarasal niyo ako, gumagaling ako. Pero kung puro bash, baka dito na ako matapos," biro pa niya.

Nagpaalala rin si Ong na inakala niyang simpleng sintomas lang ito ng pagtanda, pero ngayon ay napagtanto niyang malala na ang kanyang kalagayan.