— Siguradong sigurado si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham Tolentino na magiging peak form si pole-vault ace EJ Obiena at tatarget ng medalya sa Paris Olympiad.
Kahit na hindi nakasungkit ng podium finish sa Diamond League sa Paris nitong weekend, kung saan naka-5.75 meters siya at kinompetensya sina Swedish titan Armand Duplantis (6.0m), American Sam Kendricks (5.95m), at Frenchman Thibaut Collet (5.85m), hindi pa rin nababahala si Tolentino.
"Focus na focus si EJ at maayos naman ang performance niya kahit hindi naka-medalya sa Diamond League sa Paris," sabi ni Tolentino matapos makipag-chat kay Obiena noong Martes ng gabi.
Para mapanatili si Obiena sa French soil bago magsimula ang competition sa August 3 sa Stade de France, gumawa na ng mga arrangement para sa kanila ni renowned Ukranian coach Vitaly Petrov sa Normandy Sports Centre, na dalawang oras lang ang biyahe mula Paris.
RELATED: Obiena, Nahulog sa 4th Place sa Paris Diamond League
"After Diamond League, sa France na muna sila EJ at hindi na babalik sa base nila sa Formia (Italy)," ani Tolentino.
Upang masigurong focused si Obiena sa Olympic rumble, magpupwesto ang team mula POC secretariat sa Normandy para suportahan ang reigning Asian kingpin sa kanyang pre-tournament buildup.
Kasabay nito, tiniyak ni Tolentino na naroon ang mga magulang ni Obiena, sina Emerson at Jeannette, upang tulungan sa kanyang logistical needs at magbigay ng suporta at inspirasyon.
Isa si Obiena sa mga brightest prospects ng 22-strong Team Philippines na naglalayong magtuloy-tuloy ang momentum mula sa historic gold ni Hidilyn Diaz.
Matapos mag-11th place na may 5.70m mark sa Tokyo 2021, nag-improve ng husto si Obiena at dalawang beses nang naabot ang 6-meter plateau.
READ: Team Pilipinas Aims for Gold in Paris Olympics